Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2012

Si Pepe

Imahe
Bakit pa kailangan ng kalayaan kung ang mga alipin ngayon, ay s’ya na’ng mang-aalipin bukas, Isa sa mga sinabi ni Rizal noon, sabagay tama nga naman si Pepe, ay oo sandali sino si Pepe?, siya ang bayani’ng nagmula sa bayan ng calamba, Laguna, laki’ng may kaya sa buhay, hindi ka nga naman makakapag-lakbay sa iba’ng bansa kung mahirap ka lang, si Jose’ Rizal ay kabilang sa mga Illustrado duon sa Espanya at Paris, katropa niya ang mga tanyag na pintor na sina, Juan Luna at Felix Hidalgo, naging kabarkada rin niya sina, Trinidad Pardo de Tavera, na ang kapatid na babae ni Tavera ay naging asawa naman ng pintor na si Luna, na si Paz Pardo de Tavera ang nakababata’ng kapatid ni Juan Luna, na si Antonio Luna, na naging Heneral ng Rebulosyon, nabanggit si Antonio Luna, naging karibal din daw niya ito sa babae, na nagngangalan’g Nelly Bausted,   Kasapi rin si Rizal sa La Solidaridad ni Marcelo H. Del Pilar, kasama rin sina Antonio Luna, Graciano Lopez Jaena, Jose’ Maria Pang...

ANDRES BONIFACIO (Unang Pangulo)

Imahe
Katapangan, ano ba ang katapangan? Ano ang sukatan nito? Sa pag-buwis ba ng buhay? Sa pag-aalay ng sariling buhay para sa kapakanan ng nakararami? O ang magsisiga-sigahan sa kanto, at sa dami ng napapatay? para sa iba an gang pag-buwis ng sariling buhay o ang pag-aalay nito para sa kapakanan ng nakararami, ito ay kahibangan at hindi katapangan, handang mamatay para sa bayan, para’ng isa’ng Bayani ika-nga,    at isa na nga riyan ang ama ng katipunan, ang ang may-bahay ni Gregoria de Jesus na rebolusyonaryo’ng si Andres Bonifacio, o mas kilala sa tawag na, Supremo ng katipunan. Parati natin naririnig noon o mas na kahit ngayon ang   “Andres Bonifacio Atapang Atao, Aputol Akamay hindi Atakbo”   isa’ng maikling linya lamang mula sa isa’ng tula ng mga bata, na para ba’ng isa’ng biro lamang, ngunit pansinin natin, kahit na isa lamang biro ay nakakabit na ang salitang “tapang” kay Andres Bonifacio, ngunit gaano nga ba natin kakilala ang Ama ng Katipunan?, ...

PLAGIARISM

Kapag ang iyong cellphone ay sapilitang kuniha sa iyo, ito ay pagnanakaw, kapag ikaw ay ikaw ay nakalikha o may nilikhang isang bagay, maging ito man ay iyong isinulat,na ginamit ng ibang tao, ng wala ang iyong pahintulot, ito rin ay pagnanakaw,ninakaw mo ang kaalaman ng isang tao, ninakaw mo ang kanyang likha, ito ang tinatawag na plagiarism, subalit ano nga ba ang pinagka-ibahan nito sa pagnanakaw o sa pagnakaw ng isang bagay, para bang mas nanaisin mo pang masuntok o masabihan ng masakit na salita, kapag ikaw ay nanakawan ng isang bagay, maari pa itong mabalik sa iyo, o makabili ng bago, pero kapag naman ikaw ay nanakawan ng kaalaman, ay mas masakit, sino ba dito sa atin ang gustong kopyahan ng walang pahintulot. Isa sa mainit na balita ngayon ay ang panggagaya ‘di umano ni Senator Tito Sotto sa kanyang speech una sa hanggang ngayong pinag-uusapan parin’g RH BILL, dahil ilan sa mga sinabi daw niya ay mula sa Blog entry ni Sarah Pope, ngunit nasunan pa ito nitong bago lang,...

BROWN HEROES

Imahe
They died for our country; they sacrificed for our motherland, have you wondered how old our heroes then? They fought so young, and died so young, have you imagined fighting for freedom at the age of 18 or 35 years old? When I was younger I thought our heroes were around 40’s or 50’s but then again, as I grow up I realized they were so young, as young as me, and you. How they became a hero? Or should I ask how to become a hero? What about who are our heroes? Who are they? And what are they? To become a hero you don’t need to have superpowers nor a member of   avengers . Our heroes were ordinary humans, they breath, eat, get mad or get hurt or cried, they even fall in love, they loved more our motherland than their selves. Who are our national heroes, or maybe you would probably think who our national hero is? I bet you would answer Dr. Jose’ Rizal, but according to the famous Historian Mr. Ambeth Ocampo, all of them are our national heroes, it so happened when asking pe...

KAPATID

Hindi ko akalaing aabot sa ganito, pero inasahan kong aalis din dito, medyo matagal-tagal ko’ng pinag-isipang gawin ‘to, hindi ko nalang din hihiritan ng ingles, dahil baka may humirit na namang nosebleed, at hindi rin ako magaling mag-ingles, at kung hihirit pa kayo ng nosebleed sa kabila ng pilipino ang gamit ko, at hihingi ng panyo, aba ewan ko nalang. Sa mga letra ko nalang ibabahagi ang mga saloobin at mga pangyayari sa loob ng mahabang panahon-hindi naman talaga ganuon katagal, buti nalang may microsoft word na kung hindi, baka bibili pa ako ng papel sa tindahan, puro bura ng  tinta ng ballpen ang papel. Una sa lahat, isang pasasalamat sa Diyos, at dahil nakilala ko ang isang matagal nan'g naging kaibigan, na naging daan upang ako’y mapadpad sa sementadong gusali na heganteng kompanya na pinupuntahan ko araw-araw, sa kompanyang ito natuto akong mangolekta na kung tawagin ay memorandum, hindi ko nalang sasabihin ang kasaysayan ng memorandum nayan, sangkatutak na papel na...

THE LOST DIARY OF RIZAL

Imahe
Last year, I started to look for a new released book, and so I visited to the nearest bookstore, checking the shelves in Philippine literature section, then suddenly I saw this red book entitled the lost diary of rizal and it caught my attention because of its color and the font used, then my brain starts asking, and telling me to buy it. Got curious about it, the reason maybe because of history and the title itself-the lost diary of rizal, at first I thought it was a documentary about rizal’s lost diary, but then the twist starts when I bought the book. You will recognized the characters faces, Even if you haven’t seen them, even if there’s no pictures  in every pages .The author described well each character in the story , though you haven’t  seen valentina nor met her, you can say she’s  sweet and pretty, and I feel her how she hated her name as much as she hated the Rizal subject. It is because I myself used to hate my first name and the said subject....

KALAYAAN???

Imahe
Alam ko'ng hindi pa araw ng kalayaan ngayon mula sa mga mananakop na dayuhan, at alam ko ri'ng malayo pa ang araw ng aking kapanganakan na siya ri’ng araw atin’g kasarinlan, at ilan’g linggo pa bago ko ipagdiwang at ipagpasalamat sa Diyos ang aking ika dalawampu’t siyam na taong pamamalagi sa mundong ito. ( maisingit lang aking birthday ) unang iwinawagayway ni dating pangulong Emilio Aguinaldo ang watawat ng pilipinas nuong june 12, 1898 sa kanilang ancestral house, sa Cavite il Viejo na ngayon ay Kawit,Cavite. Pero hindi daw talaga ika-12 ng hunyo, 1898 ang petsa ng ating araw ng kalayaan, kun’di july 4, dahil isinuko na ng mga kastila ang pilipinas sa amerikano,parang indepence day lang ng america? At ang gobyerno ng amerikano na mismo ang nagbigay sa atin ng pagkakalaya mula sa kanila ang july 4 ang ang ating araw ng kalayaan, hanggang sa taong 1962, sa ilalim ng dating pangulong Diosdado Macapagal, pinalitan niya ang ang petsa at ginawang june 12, sa ilalim ...

TRESE'

Imahe
Marami tayong mga pinaniniwalaang malas at mga bawal, o mga pamahiin, malas ang magwalis sa gabi, ‘di raw pwede’ng dalhin ang pagkain sa bahay galing libing, at kapag ikaw naman ay namatayan ng kamag-anak o ito’y pinatay, maglagay lang dawn g sisiw sa ibabaw ng kabaong nito, para madaling malutas ang kaso, kapag nakakakita ng pusang itim ay agad tayong umiiwas, bakit? natural lang naman ang pusang itim ah, mas nakakatakot pag may pusang kulay bughaw o pula,  at kung anu-ano pang mga paniniwalang hanggang ngayon ay pinaniniwalaan parin, pero isa na yata sa pinakanakakatakot  sa lahat ay ang numerong trese' oo sa English 13, ewan ko ba kung anong meron sa numerong ito at maraming natatakot, mas lalo pang pinatindi kapag dinagdagan mo na ng biyernes sa unahan, viernes trece', tingnan ko lang kung di kapa kilabutan. Nung una parang ayaw ko’ng isulat ‘to, kasi nga malas daw eh, pero sabagay ano nga ba ang meron sa viernes trece o Friday the 13 th ?, eh ordinaryong araw a...

ANG HALiGi

Imahe
Ang haligi ng tahanan, ang tagapagtaguyod ang simbolo ng katapangan sa pamilya, ang ama o ang lalaki, Sabi nga nila tayo daw masusunod, pero mayroon rin ibang nagsabing iba na raw ngayon sa panahong moderno, sa panahong di lang ang lalaki ang simbolo ng lakas at tapang, sa panahong kaya narin daw ng babae gampanan ang tungkulin ng lalaki, sa katunayan sa kasaysayan ng Pilipinas ay dalawang babae na ang naging Presidente, at isa na nga rito ay masyadong kontrobersyal, pero 'wag na nating ungkatin pa, basta ‘wag na ayos ba yon?.  Ano ang gusto kong ipahiwatig?, ano ang gusto kong sabihin?, eto yun eh, sabi ng kaibigan ko kahit gaano pa raw ka-angas ang isang lalaki pag si misis na ang nagalit, siguradong magtatago ang buntot nito, kahit sinong matapang ay dadaigin ng bangis ni misis, may kasabihan nga walang matigas na tinapay sa mainit na kape, dahil nga raw shotgun lang ang gamit mo pero iba ang gamit ni misis isang mabilis ngunit deadly naman kung gamitin eto ang machi...

HERE COMES THE CHILDREN

Imahe
He gave us skills and talents, and because of these we have computers, Steve Jobs’ apple, Bill Gates’ Microsoft windows, Graham bell’s telephone, Edison’s incandescent bulb, and etc. Because of their talents we enjoyed these things, but of course it is all because of God’s gift. We are all unique as what they've always say, we’re different from each other, and we are different from our siblings, even to our parents. We can’t deny the fact that because of our parent’s success we also inherit their success, what am I trying to say is, a lot of offsprings now are product of their father or mother’s success, Mayor Sarah Duterte still uses her father’s surname despite the fact that she’s married, yes we all know that she’s the daughter’s former mayor, but it is cool to use her father's surname, and it would help a lot on her career, since people already knew Dutertes.                    ...

POEMS II

SA KABILA NG LAHAT Sa kabila ng tagumpay meron paring nalulumbay, Sa kabila ng pagkapanalo ay meron paring bigo Sa kabila ng halakhak marami paring nalulungkot at umiiyak, Sa kabila ng saya meron paring nawawalan ng pag-asa, Sa kabila ng katotohanan marami paring naniniwala sa kasinungalingan, Sa kabila ng ginhawa marami parin ang nagdurusa, Sa kabila ng liwanag ay kadiliman parin at walang naaninag, Ngunit tandaan sa kabila ng lahat nariyan parin Siya. INA Bisita sa sariling tahanan, dayuhan sa sariling bayan, Sariling pagakain na di matikman, sariling tirahan na di matir’han Di kilala ang sariling magulang, di ka anu-ano ang kamag-anak, Kaibigang kaaway, kaway ng kaway di naman nakikita,Di naman nararamdaman, Larawan na walang imahe, nakangiti at umiiyak, Luhang pumapatak mula sa mukha na wlang mata, Nag-iibang kulay, naagnas na bangkay, nakahimlay, nakahiwalay, Si inay, si itay nalulungkot nalulumbay, may pag-asa pa ba? Ang tanong,…ang tanong ...

FiNOY AKO

Imahe
Ang Filipinas kung ito’y tawagin nu’ng panahon ng mga kastila, at tayo ay mga Filipino, at kung bakit ngayon ay Pilipinas at Pilipino ang tawag nating mga “finoy”?, ay dahil narin sa ating pananalita na walang “F”, dahil sa alpabetong Pilipino ay wala ring” F”, pero ‘to ang tanong ko,  tayo nga ba ay tunay na Filipino?, ipinagmamalaki nga ba natin ang ating kulay at lahi?. Pag memoryado mo ba ang lupang hinirang ay pinoy kana? Na kung tawagin nga ng iba ay BAYANG MAGILIW?, kung nagsusuot  ka ng three stars  & the sun at may mga higanteng mukha ni Rizal? At pag magaling kang magtagalog ay tunay kanang Filipino ?. Bago pa tayo tinawag na filipino o Pilipino at pinangalanang Filipinas ang bansang ito, tinawag muna itong Islas de San Lazaro ni Fernando de Magallanes o mas kilala sa pangalang Ferdinand Magellan noong madiskobre ng grupo niya ang islang ating tinitir’han ngayon noong  1521,  ngunit ito’y pinalitan sa ilalim ng pamumuno ni Ruy Lopez de...

three stars asian: COLLECTION OF POEMS

three stars asian: COLLECTION OF POEMS : everything What you reap is what you sow, what you sow is what you reap Small but terrible you are invincible, somebody help me I’m in trou...

BIKTIMA, TULISAN, VIGILANTE GROUP & the HUMAN RIGHTS

Imahe
Mga bagong gadgets, bagong bags, mga usong cellphones at usong laptops at kung anu-ano pang mga mamahaling bagay, uso basta kung anong bagong mga labas na estilo o produkto ‘to ay mga uso,  at sa mundo ng teknolohiya o internet kapag may sikat na personalidad o tao, at kung ano pang merong mga uso diyan sila ang tinatawag na trending , bakit ko sinasabi ang mga ‘to? , at ano ang ka-ugnayan nito sa sasabihin ko ngayon?, kasi naman ang mga usong ito ay masarap sa mata ng mga masasamang loob, at kasi naman sa lahat ng uso at trending ito na yata ang pinaka-ayaw ko ang “HOLD-UP”. Ang laman ng balita ngayon sa davao city ay ang mga holdapang nangyayari sa lungsod, aba! Wala na yatang pinipiling lugar at oras ang mga tulisan ngayon, kahit tanghaling tirik ang araw, at sa nakakasiglang sikat ng araw sa umaga eh tumitira na sila, ‘ika nga eh business is business . Nagsimula yata ang pag-uso ng mga hinayupak na ‘to nung makaraang mapaslang at matapos holdapin ang walang kalaban...