Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Pebrero, 2013

SINO AKO?

Imahe
Matagal ko na ito’ng gusto’ng isulat, ay sandali sulat o i-type?, laptop kasi ang gamit natin ngayon, di na nga pala uso ang pluma, o sya sige, type na kung type, at kung may hihirit na, ay akala ko English, tagalog pala, o pwes kung ayaw mo ng Filipino o tagalog ang gamitin ko, at sa tingin mo eh matalino ka dahil gusto mo English, at kunyari magaling ka, ay huwag mo nalang ito’ng basahin hinayupak ka, bago paman ang lahat ay hayaan nyo muna’ng ipakilala ang akin’g sarili.                                                                                       Ang pangalan ko nga pala ay Matias, oo tama ang basa mo, at kung iniisip mo’ng matanda na ako dahil sa pangalan ko ay, wala’ng hiya ka, porke’ ba’t tunog kastila o Filipino ang pangalan ay matanda na agad? At kapag English , ay makabago? Para malaman mo, trenta y uno aƱos pa lang ako, oo na aaminin ko na, ayaw ko talaga sa pangalan ko noon, kasi isa rin ako noon sa mga ayaw sa ganito’ng klase’ng pangalan, pasens