SINO AKO?




Matagal ko na ito’ng gusto’ng isulat, ay sandali sulat o i-type?, laptop kasi ang gamit natin ngayon, di na nga pala uso ang pluma, o sya sige, type na kung type, at kung may hihirit na, ay akala ko English, tagalog pala, o pwes kung ayaw mo ng Filipino o tagalog ang gamitin ko, at sa tingin mo eh matalino ka dahil gusto mo English, at kunyari magaling ka, ay huwag mo nalang ito’ng basahin hinayupak ka, bago paman ang lahat ay hayaan nyo muna’ng ipakilala ang akin’g sarili.                                                                                       Ang pangalan ko nga pala ay Matias, oo tama ang basa mo, at kung iniisip mo’ng matanda na ako dahil sa pangalan ko ay, wala’ng hiya ka, porke’ ba’t tunog kastila o Filipino ang pangalan ay matanda na agad? At kapag English, ay makabago? Para malaman mo, trenta y uno años pa lang ako, oo na aaminin ko na, ayaw ko talaga sa pangalan ko noon, kasi isa rin ako noon sa mga ayaw sa ganito’ng klase’ng pangalan, pasensya na…pero sa katagalan ay natutunan ko rin’ng mahalin ang pangalan ko, ipinanganak ako sa ciudad ng davao, isinilang ako habang ipinagdiriwang ng bansa ang kalayaan mula sa mga kastila, mga kastila’ng pinalayas ng mga kababayan natin noon isa’ng daan taon ang nakakaraan, mga kastila’ng nag bigay ng pangalan sa bansa natin.                                                                                                
Isa rin ang mga angkan namin sa davao na nagmula sa ibang lugar,ang angkan ng tatay ko ay nagmula sa cebu, ipinanganak at lumaki sa cebu ang tatay ko, at ang angkan naman nanay ko ay nagmula sa leyte, alam ko wala kayo’ng  paki-alam kung saan sila galing, sinasabi ko lang naman .
Ang sabi ng iba ko’ng kakilala ay kung bakit daw ako mahilig sa kasaysayan, kung bakit ganuon na lamang katindi ang pagkahilig ko sa mga luma- ang sagot? Abah ewan ko, eh sa yun ang gusto ko.

Medyo may mga kaunti naman ako’ng ala-ala nu’ng kabataan ko. Sa tuwing naririnig ko ang temple of the king ng banda ni james dio na rainbow ay bumabalik sa akin’g ala-ala ang aking kabataan,dahil iyon una’ng rock n roll music na narinig ko, pero syempre nu’ng mga panahon’g iyon hindi ko pa alam kung sino talaga ang kumanta at ano ang pamagat nu’n, ang alam ko lang eh, one day in the year of the fox, una’ng line sa kanta.                                                                                                                                                                    

Nu’ng 1987 o 1988 di ko na matandaan kung ano’ng taon, basta alam ko late 80’s, ay sumama ako sa lolo ko at sa mga tita o tito ko na manuod ng pelikula ni Chuck Norris na missing in action:broddock , hindi ko talaga malilimutan ang pamagat ng palabas na iyon, dahil yun ang una’ng pelikula na napanuod ko, at una’ng karanasan ko na makapasok sa sinehan, kung hindi ako nagkakamali sa Queen’s cinema, hindi pa kasi uso nu’n ang mga malls na may sinehan sa loob,                                                                                       hindi ko rin maintindihan nuon’g bata pa ako, kung bakit gusto ng tatay ko manuod ng mission impossible sa channel 7 na ngayon ay channel 5 na sa davao, at sa tuwing nakikita ko si Mister T ay naalala ko ang the A-team, akala ko talaga ang tawag nu’ng bata ako ay DA-ITIM kasi nga afro-american si Mister T, akala ko nga rin nuon ang mga helicopter ay airwolf talaga ang tawag, astig talaga sa akin ang TV show na airwolf, at Streethawk, bilib na bilib talaga ako orasan ni david hasslehoff, dahil pwede siya’ng mag bigay ng mensahe, para sa kotse niya’ng Knightrider, gaya ng iba’ng bata ay aliw na aliw ako sa cartoons show nuon na Ghostbusters, marami pa’ng mga palabas sa telebisyon nuon na magaganda at tunay naman’g nakaka-aliw.                                                                                                                               hindi ko malilimutan na karanasan ng akin’g kabataan ay nu’ng nakita ko si Pangulo’ng Cory nu’ng 1986, kahit medyo Malabo na sa ala-ala ko ang itsura, at una’ng bese ko’ng nakakita ng helicopter nu’n sa malapitan.

Nu’ng lumalaki ako ay, nagka-interes ako sa sining, sumali ako sa guhit bulilit nu’ng elementary ako, pero hindi nananalo, ayus lang naman, nagka-interes din ako sa kasaysayan, hanggan’g sa hindi ko namamalayan ay mahilig na pala ako sa mga luma’ng bagay, luma’ng kalsada, may kaibigan nga ako, nagtanong siya bakit daw ako mahilig sa mga luma’ng bagay, (pero syempre wala ako’ng luma’ng bagay wala kasi ako’ng pera pambili ng antigo’ng bagay), ang iba naman ay ayaw nila ng kasaysayan kasi daw, nakakabaliw, at nakakapagod mag memorya, eh hindi naman tungkol sa pagmemorya ng petsa, pangyayari at pangalan ang kasaysayan, ang kailangan lang ay intindihin.                                                            
At ito ako ngayon, may anak at asawa na, nagtatrabaho narin ako. Sa totoo lang marami pa’ng may mga ala-ala pa’ng natitira sa aking isipan,pero hindi kakasya sa harddrive ko ang akin’g kabataan.
Muntik ko na’ng makalimutan, ang buo ko nga pala’ng pangalan ay  Matias Archibald Blanco Goc-ongIII hindi ko nalang sasabihin kun’g gaano ako nahirapan na isulat ang pangalan ko nuon, 1MB nalang ang nititira sa harddrive ko. (biro lang)

Marami’ng salamat.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

TEJEROS CONVENTION 1897: Ang Una'ng Eleksyon

HENERAL LUNA

ANG HALiGi