HENERAL LUNA


Pasukan na naman, marahil ay isa ka sa mga mag-aaral na dama’ng-dama parin hanggan’g ngayon ang bakasyon, marahil ay bitin pa sa dalawa’ng buwan’g pahinga mula ‘sangkakutak na asignatura, mga kaliwa’t-kanan’g mga proyekto, at wala’ng humpay na mga pagsusulit, nagkakandarapa sa pag-abot ng mga minimithi’ng marka. Pero alam ko naman na naaalala n’yo parin ang kaklase’ n’yo, ang inyo’ng mga hinahangaan’g “kaklase”,  pero kaakibat n’yan ang masungit na guro, strikto’ng guro, at may mga med mainitin’g ulo na mga guro.                                                                                                                                                           

Bueno nabanggit ang ang pasukan o ang pagbabalik eskwela ng mga mag-aaral, sana lang ay huwag makontento sa mga itinuro lang, dahil marami parin ang mga dapat natin’ng matutunan, lalu’ng-lalo na sa atin’g kasaysayan, marahil at kilala na natin ang ilustrado at dating repormista’ng si Heneral Antonio Luna at kung ano ang mga nagawa niya para sa bayan, subalit hindi lahat ay nauunawaan ang dahilan kung bakit siya nagin’g bayani at kung bakit siya namatay- o pinatay?, dahil magpasa hanggan’g ngayon ay wala parin’g linaw kung bakit siya pinatay at kung sino talaga ang tunay na pumatay sa kaniya o sino ang tao sa likod ng kaniya’ng pagkamatay, marami ang mga nagsasabi’ng si Heneral Emilio Aguinaldo ang tao sa likod ng asasinasyon. May mga kwento kasi nuon na magiging tinik sa landas ni Aguinaldo si Antonio Luna, kaya niya raw ito pinapatay, subalit hindi naman kaila sa mga rebolusyonaryo nuon’ng panahon na iyon na marami ang galit at inis kay Heneral Luna, o sabihin na natin’g inggit dahil dahil nga sa mabilis na pag-angat ng kaniya’ng ranko, galit din ang iba sa kaniya dahil sa sinasabi umano’ng isa si Luna sa mga nagsuplong sa pamahalaan ng kastila kung sinu-sino ang mag kasapi ng katipunan, dahil si Luna mismo ay napagbintangan nuon na isa’ng katipunero, kaya hinuli siya ng mga kastila at pinahirapan, pinilit na paaminin ang mga nalalaman niya tungkol sa Katipunan (Si Antonio Luna ay dati’ng repormista at isa’ng  Propagandista na naging Rebolusyonaryo kalaunan).

Magaling na Sundalo si Luna, nag-aral siya ng siyensa Militar, kaya ginamit niya ang kaniya’ng mga natutunan niya sa kaniya’ng pag-aaral, matinik din sa paggamit ng baril si Luna, strikto rin siya, ayaw na ayaw niya sa mga sundalo’ng wala’ng disiplina, at wala’ng galang sa mga nakakataas dahilan upang magkaroon siya ng mga kagalit, kabilang na rito si Heneral Tomas Mascardo, si Felipe’ Buencamino at ang kaniya’ng pinatanggal sa serbisyo na si Kapitan Janolino mula sa batalyon ng kawit. Mainit talaga ang ulo nito’ng si Heneral Luna, may isa’ng pagpupulong ang mga Heneral at mga opisyal minsan sag alit niya ay nasampal niya si Buencamino, tinawag nya ito’ng duwag at traydor, kaya nga may balita nuon na may plano’ng kudeta si Luna.

Nuon’g Hunyo ng a-cuatro 1899, habang nasa Bayambang, ay nakatanggap ng Telegrama si Luna mula umano kay Heneral Aguinaldo, na nag-uutos sa kaniya na makipagkita, kaya naman ay dali-dali’ng nagtungo si Luna sa Cabanatuan kasama niya si Kol. Paco Roman, Major Simeon Villa ang mag-utol na sina Major Manuel at Capt. Jose’ Bernal, Capt. Rusca at iba pang mga tauhan.

Hunyo ng a-cinco 1899 ang mga tropa ni Luna ay nakarting rin saw akas ng Cabanatuan subalit tila ba, sinubukan ang pasensya ng Heneral marami’ng mga abetya ang nangyari, per nakarating rin naman sila ng maayos sa Kombento sa Cabanatuan kung saan sana dapat magkikita ang dalawang Heneral. Bago paman nakapasok sa Opisina ang Highblood na Heneral ay sinampal nya muna ang isa’ng opisyal dahil sa hindi nito pagsuludo sa kaniya, pagkaakyta niya sa itaas ay nakita niya ang isa sa mga nagin’g kaalitan ya si Felipe Buencamino, lalo’ng nag-init ang tenga ni Heneral Luna, at lalo pa ito’ng pinatindi ng may marinig siya’ng putok mula sa labas kaya lumabas siya upang tingnan kung sino ang nagpaputok, nasorpresa siya nang makita niya’ng si Capt. Janolino ang nasa labas at ang iba pang mga batalyon ng kawit na dati na niya’ng dinisarmahan, bago paman siya pinagalitan ni Luna ay hinataw na siya ni Janolino ng bolo, at pinagtataga, pinagtulungan siya ng mga sundalo ng kawit, subalit lumaban si Luna at nagpaputok ng armas, at nakasigaw pa ng “ Cobardes Aasesinos” o “Cowards Assassins”  gumapang papalayo si Luna duguan at tadtad ng sugat ang buong katawan.

Ang nangyari’ng it okay Heneral Luna at sa iba pang pinatay ng mga kakulay ay magsilbi sana’ng aral sa atin sa kasalukuyan, na imbis magpatayan sana ay magka-isa nalang, naisip ko tuloy kaya siguro hindi ganap na nakamit ang inaasam na kalayaan ay dahil narin sa hidwaan at gusot sa loob mismo ng  mga rebolusyonaryo kahit mismo kanila ay wala’ng pagkakaisa, kung may pagkakaisa marahil mas madali’ng makakamit ang ganap na indipendensya, hanggang sa ngayon ay si Aguinaldo parin ang sinisisi ng karamihan, que si Aguinaldo man o hindi ang utak sa likod pagpaslang kay Luna, wala ni-isa man ang nanagot sa nangyari’ng krimen. At sana imbis na magsisihan ay bakit hindi na lamang pagtuunan ng pansin ang pagkakaisa at ituwid ang mga pagkakamali ng atin’g mga ninuno.


Mga Komento

  1. Maaari po bang makuha ang pangalan ng sumulat ng website na ito? gagamitin lang po namin sa aming pagsususuri.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

TEJEROS CONVENTION 1897: Ang Una'ng Eleksyon

ANG HALiGi