Hunyo 12, 1898
Una sa lahat isa’ng malaki’ng pasasalamat sa Poon’g May
Kapal ang araw na ito.
Ilan,g linggo bago ang araw ng kalayaan, ay kapansin-pansin
ang mga nagtitinda ng mga maliliit na watawat sa sa kalye, habang sa kabailang
kamay ay mga sigarlyo at matatamis na candy, at ilan’g mga establisemyento ay
mga medyo malalaki’ng watawat sa kanila’ng pinto, sa mga punto’ng ito ay bigla
nalang dadami ang mga proud pinoys….naman hanep ang gagaling, saka pa
naka-alala na pinoy sila, at wala’ng katapusan’g makabayan songs na naman, bago
muna tayo matuwa dahil sa wala’ng pasok bukas ay intindihin muna natin ang
sakripisyo ng ating mga ninuno, aba hindi yata biro ang masakop ng tatlo’ng
daan’g taon, kung ang ilan’g taon lang na panunungkulan ng isa’ng pinuno na
kurakot ay para na tayo’ng mga bata’ng
iniwan ng nanay at pinalo ng pinalo sa pwet eh paano pa kaya ang daan-daan’g
taon’g pananakop.
May isa’ng daan at lanbin-lima’ng taon na ang nakakalipas
nang ipagdiwang ang independencia ng Filipinas, pero tandaan bago paman
iwinagayway ng kontrobersyal na Heneral Emilio Aguinaldo ang watawat ng
Filipinas sa Cawit noon’g Hunyo a-dose’ mil ochocientos novenata y ocho, ay
sumapi muna sa La liga Filipina ni Dr. Jose’ Rizal si Gat Andres Bonifacio sa
bahay mismo ni Doroteo Onjunco, taon’g mil ochocientos noventa y dos, subalit
ang organisasyon’g ito ay hindi nagtagal, natuklasan ng pamahalaan ng kastila at ipinatapon sa Dapitan si Pepe. Ang La liga Filipina ay nahahati sa dalawa’ng
grupo ang mga konserbatibo at ang radikal na pinamumunuan ni Bonifacio na siya rin’g
naging daan upang mabuo ang noo’y sekreto’ng KKK o mas kilala sa tawag na Kataas-taasan,
kagalang-galang Katipunan ng mga anak ng Bayan, naisip ko tuloy para yata’ng
ang lakas ng mga pang-amoy ng mga kastila, wala’ng sekreto sa kanila,
nabubunyag din agad kung mga lihim na samahan ang mga kababayan natin noon. Habang nasa dapitan si Rizal naka leave ay
mali napatapon pala, ipinadala ni Supremo si Pio Valenzuela sa Dapitan upang
hingin ang payo at marahil ay hikayatin ito’ng sumama sa kanila, pero maka-ilan’g
beses rin’g umayaw si Rizal, ang kaniya’ng rason ay hindi pa raw handa ang
bayan sa pag-aalsa, tila bagang ayaw ni Rizal sa rebolusyon-paano ba naman kasi
mga tol si Pepe pa talaga ang hiningan ng payo, eh mas gusto niya sa mapayapang
pamamaraan, isa pa repormista at propagandista si kuya, pero ang kabalintunaan
kung sino pa ang ayaw ng rebolusyon ay siya pa ang naging sentro sa paningin ng
mga kastila, ginawa ba naman’g inspirasyon si kuya Pepe. Sinabi na nga dati ni
Rizal nabakit pa kailangan ng kalayaan kung ang mga alipin ngayon ay s’ya naman’g
mananakop bukas, tingnan mo nga naman, aba’y akalain mo’ng nagkatotoo?
Ang mga kalahi natin’g alipin kahapon, ay mga kalahi natin’g mga iba’ng naka-upo sa pwesto ay mga mas sakim pa sa mga mananakop.
Ang mga kalahi natin’g alipin kahapon, ay mga kalahi natin’g mga iba’ng naka-upo sa pwesto ay mga mas sakim pa sa mga mananakop.
O ngayon dadami lalo bigla ang mga proud Filipino, eh ang
iba sa atin nagiging proud lang naman kapag ka nanalo sa isa’ng patimpalak o
nagiging kilala sa pagmomodelo, musika at kung anu-ano pa sa iba’ng bansa mga Filipino,
nagiging proud ka lang tol, kapag may iba’ng lahi ang nakakapansin sa talent at
husay ng atig lahi? Buti pa pala ang iba’ng lahi proud sa atin, at sila pa
mismo halos ang nakakapuna sa galing ng kayumanggi. Proud Filipino ka? Eh bakit sa tuwing
opening ceremony ng mga malls at pinapatugtog ang Pambansa’ng awit ay naka-upo
ka lang kung nakatayo man para’ng wala lang din.
Heto pa
kapagka sikat na banyaga hinahanapan ng dugo’ng pinoy, pero kapag ka pinoy na
sikat hinahanapan naman ng dugo’ng banyaga, ano ba talaga kuya?
Hindi naman siguro masama ang humanga sa mga iba’ng lahi
kaya lang naman ay sana huwag kalimutan ang pinanggalingan, hindi naman tlaga
kailangan magbarong tagalog ka para lang maging Filipino, tamang resto sa
kultura at sa kapwa lang ay sapat na.
Wala naman’g perpekto eh kahit nga noon’g panahon ng mga
bayani natin ay may mga hidwaan din sa kanila, kaya lang sana huwag na natin
ulitin ang mga pagkakamali ng kahapon, kaya nga may kasaysayan upang ma-intindihan natin kung bakit
nangyayari ang sa kasalukuyan.
Ang sabi nga ng fraile’:
Napalaias nio nga an amin na lahi, at napatai, pero nunca an
amin na cultura…
Mabuhay po ang lahi’ng kayumanggi, pag-ibig, kalayaan at
kapayapaan po salahat. Pagpalain tayo ng Diyos.
Pahabol lang….ang pamagat po ng Pambansa’ng awit ay Lupa’ng
Hinirang hindi po Bayan’g Magiliw.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento