Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Disyembre, 2012

Si Pepe

Imahe
Bakit pa kailangan ng kalayaan kung ang mga alipin ngayon, ay s’ya na’ng mang-aalipin bukas, Isa sa mga sinabi ni Rizal noon, sabagay tama nga naman si Pepe, ay oo sandali sino si Pepe?, siya ang bayani’ng nagmula sa bayan ng calamba, Laguna, laki’ng may kaya sa buhay, hindi ka nga naman makakapag-lakbay sa iba’ng bansa kung mahirap ka lang, si Jose’ Rizal ay kabilang sa mga Illustrado duon sa Espanya at Paris, katropa niya ang mga tanyag na pintor na sina, Juan Luna at Felix Hidalgo, naging kabarkada rin niya sina, Trinidad Pardo de Tavera, na ang kapatid na babae ni Tavera ay naging asawa naman ng pintor na si Luna, na si Paz Pardo de Tavera ang nakababata’ng kapatid ni Juan Luna, na si Antonio Luna, na naging Heneral ng Rebulosyon, nabanggit si Antonio Luna, naging karibal din daw niya ito sa babae, na nagngangalan’g Nelly Bausted,   Kasapi rin si Rizal sa La Solidaridad ni Marcelo H. Del Pilar, kasama rin sina Antonio Luna, Graciano Lopez Jaena, Jose’ Maria Panganib