Si Pepe
Bakit pa kailangan ng kalayaan kung ang mga alipin ngayon,
ay s’ya na’ng mang-aalipin bukas, Isa sa mga sinabi ni Rizal noon, sabagay tama
nga naman si Pepe, ay oo sandali sino si Pepe?, siya ang bayani’ng nagmula sa
bayan ng calamba, Laguna, laki’ng may kaya sa buhay, hindi ka nga naman
makakapag-lakbay sa iba’ng bansa kung mahirap ka lang, si Jose’ Rizal ay
kabilang sa mga Illustrado duon sa Espanya at Paris, katropa niya ang mga
tanyag na pintor na sina, Juan Luna at Felix Hidalgo, naging kabarkada rin niya
sina, Trinidad Pardo de Tavera, na ang kapatid na babae ni Tavera ay naging
asawa naman ng pintor na si Luna, na si Paz Pardo de Tavera ang nakababata’ng
kapatid ni Juan Luna, na si Antonio Luna, na naging Heneral ng Rebulosyon,
nabanggit si Antonio Luna, naging karibal din daw niya ito sa babae, na
nagngangalan’g Nelly Bausted, Kasapi rin
si Rizal sa La Solidaridad ni Marcelo H. Del Pilar, kasama rin sina Antonio
Luna, Graciano Lopez Jaena, Jose’ Maria Panganiban at Mariano Ponce’, siya rin
ang may akda ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo, meron rin pala’ng
ikatlo’ng nobela si Rizal na hindi natapos, at sa kauna-unahan’g pagkakataon ay
sa wika’ng Filipino niya ito isinulat, kaya lang hindi niya natapos. At ito pa, kapenpal din niya si Ferdinand
Blumentritt ang aleman na marami’ng alam
tungkol sa Pilipinas.
Sa a-trenta ng Desyembre ay ika isa’ng daan at labi’ng anim
na taong anibersaryo ng kamatayan ni Dr. Jose’ Protacio Rizal Mercado Y Alonzo
Realonda, ang haba naman ng pangalan ni kuya, sige na nga Dr. Jose’ Rizal
nalang.
Ayun sa aklat ng batikan’g Historyador ng bansa na si Ambeth
Ocampo sa kanya’ng Rizal without the
overcoat, Si Rizal daw ay isa’ng conscious
hero?, ano daw?, oo ‘yun nga mismo, sa kanya’ng mga liham, sulat, diaries,
na nakaplano na pala ang buong buhay niya, lahat wala siya’ng
sinayang, lahat tinapos niya, at pati rin daw pala ang sarili niya’ng
kamatayan? Grabe’ pala ito’ng si Pepe. Gumamit din siya ng pangalan’g
laong-laan o ang ibig sabihin ever
prepared, para’ng boy-scout ah.
Matapos ni Rizal sa La Solidaridad, umuwi na siya ng
Pilipinas upang itatag ang La Liga Filipina nuong 1892, naging kasapi nito ang
magiging supremo ng katipunan na si Andres Bonifacio, ang La Liga ni Rizal na
ang layunin ay ang reporma, at wala’ng
anuman’g rebolusyon, ayaw parin ito ng mga Kastila, ilan’g araw palang ang La
liga, ay ipinatigil na agad ito, at ipinahuli si Rizal, ipinatapon sa Dapitan,
at duon nga nakilala ang babae’ng susunod na mamahalin niya, si Josephine
Bracken, pero huwag na natin pa ang pagiibigan ng dalawa, mahabang usapan na
kasi. Ang Pagkabuwag ng La Liga ay siya pala’ng pinto na magbubukas sa
pagkakatatag ng Katipunan ni Andres Bonifacio, pero isa lamang sekreto’ng grupo
ang Katipunan, pero ang sabi nga eh, wala’ng sekreto’ng hindi nabubunyag sa mga
Kastila, isa-isa’ng ipinahuli ang mga pinaghihinalaan’g kasapi nito, kabilang
na nga si Antonio Luna, ng kalaunan ay naging kasapi rin siya, pero hindi
kagaya ni Pepe, kailanman ay hindi siya sumali sa katipunan, matapos ang
sintensya niya sa dapitan ay nagboluntaryo siya’ng magserbisyo sa bansa’ng
Cuba, at ito ay pinahintulutan ng nuo’y Gobernador Heneral na si Ramon Blanco,
Oo hindi ko siya kamag-anak, ka-apelyido lang siya ng nanay ko. Subalit
inaresto rin siya at ipanukulong sa espanya, at pinabalik sa Pilipinas upang
harapin ang husgado at sagutin ang mga akusasyon sa kanya. Ilan sa mga tanong
sa kanya ay kung kilala ba niya ang supremo ng katipunan at kung ano ang
kinalaman niya sa pag-aalsa, mabigat ang paratang sa kanya, ang mga larawan
niya ang nakasabit sa mga opisina ng katipunan, pati pangalan niya ay naging password, grabe talaga ang paghanga sa
kaniya ng supremo, malaki ang paniniwala ng mga Kastila na si Rizal ang dahilan
ng rebolusyon, at ito nga ang dahilan ng kaniya’ng kamatayan, kalmado niya’ng
hinarap ang kanya’ng katapusan.
Ila’ng bese na tinanggihan ni Rizal ang paghihimagsik, ang
rebolusyon, at ang pag-aalsa, isa siya’ng Repormista at propagandista, kaya
niya siguro sinabi’ng bakit pa kailangan ng kalayaan kung ang alipin ngayon ay
siya naman’g mang-aalipin bukas. Ayaw man niya sa rebolusyon, pero naging
insperasyon siya ng mga rebolusyonaryo’ng Pilipino. Sa huli pinatunayan ni Rizal na mas matalas
parin ang pluma kaysa sa anumang lanceta, mas masakit parin makatama ang mga
letra at salita, kaysa sa anuma’ng bala.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento