TEJEROS CONVENTION 1897: Ang Una'ng Eleksyon
Eleksyon na
naman, panahon na naman ng pakikipagplastikan sa isa’t-isa ng mga kandidato,
panahon na naman ng dayaan? Ang mga magkakalaban nuon? Magkakampi na ngayon,
ang mga magkatunggali nuon? Magkasangga na ngayon. Samu’t sari’ng pangako na
naman ang bibitawan, pero may natutupad ba? Aba’y ewan ko. Ito rin ang panahon
na marami’ng kalsada ang aayusin, pero sandali, aayusin nga ba? At bakit naman
sa tuwing nalalapit ang eleksyon gagawin? Ano ang binabalak? Ano ang plano? Ang
tunay plano? Marahil ang halos lahat sa atin ay alam na sagot.
Sa nalalapit
na eleksyon, mayroon na naman ba’ng mawawalan ng mahal sa buhay? Mababawian ng
buhay? Mga gahaman sa kapangyarihan. Gagawin ang lahat para lamang manalo,
dayaan, bilihan ng boto, dagdag bawas, marumi at magulo’ng eleksyon. Pa'no nga
ba nagsimula ang eleksyon at kailan? Sa kasaysayan sinasabi’ng at tinuturing na
una’ng eleksyon ay ang Tejeros Convention
ng mga Pilipino’ng Revolusyonaryo o mga kasapi ng Katipunan na ginanap nuon’g
Marso 22, 1897 sa San Francisco de Malabon, Cavite. Tama kahapon ay ang ika-isa’ng
daan at labing anim na taon’g annibersaryo ng nasabi’ng pagtitipon.
Ang layunin ng Tejeros Covention ay upang
pag-isahin ang dalawa’ng bahagi ng Katipunan ang Magdiwang ni Bonifacio at ang
Magdalo ni Aguinaldo. Pagbobotohan subalit hindi katulad sa kasalukuyan’g eleksyon
ang mga maaari lamang dumalo nuon ay ang mga kasapi ng Katipunan, subalit ang
nasabi’ng Convention ay isa pala’ng
Eleksyon na pagbobotohan sa kung sino ang mamumuno sa Pamahalaan’g
panghimagsik. Ilan sa mga dumalo ay sina Andres Bonifacio ang supremo ng
katipunan, Danial Tirona, Mariano Trias, Artemio Ricarte at iba pa’ng mga
myembro ng Katipunan, subalit kapansin-pansin na wala ang isa sa mga pinuno ng
Rebulosyon na si Emilio Aguinaldo, sa kadahilanan’g nakikipaglaban, ang
kabalintunaan nga naman ng buhay, kung sino pa ang wala sa pagtitipon ay siya
pa ang nahalal bila’ng Pangulo, maganda’ng regalo ba ito kay Una’ng Pangulo? Na
nuon ay kaarawan niya, sa edad dalawa’m pu’t walo ay nahalal sa pinakamataas na
pwesto. Ang mas masaklap pa ang Supremo mismo ng Katipunan hindi man lang
nahalal kahit sa ikalawa’ng Pangulo, bila’ng Consuelo de bobo sa Supremo inihalal siya sa mababang Posisyon
bilang Kalihim sa Panloob o Director of the Interior.
Si Daniel Tirona di-umano ang isa ayaw sa
Supremo, nilait ang pagkatao ni Bonifacio, sa galit ng Supremo, bumunot siya ng
baril at hinamon si Tirona, nagkagulo sa loob ng kumbensyon, kaya dineklara ni Supremo na wala’ng bisa ang kanila'ng Eleksyon. (Oo tama ang basa niyo,
Hindi Bolo ang binunot niya).
Ito rin ang naging mitsa ng di
pagkaka-unawaan ng mga rebolusyonaryo nuon, nagkaroon nan g kampihan at naging daan
sa pagkamatay ng Supremo ng Katipunan,
marami ang nagalit kay Aguinaldo hanggang sa ngayon-sa kasalukuyan.
Ayun sa iba’ng Historyador ang nangyari’ng
Eleksyon nuon ay may dagdag bawas? Uso na pala ‘yan nuon? Ang mga dayaan ngayon
ay nangyayari na pala noon. Hanggang sa ngayon namamayagpag parin ang Magdalo,
naging partido ito ngayon, wala ng nakakapansin sa Magdiwang.
Sana ang mga nangyari’ng gusot at mga
pagkakamali nuon ay magsilbi’ng aral sa nangyayari ngayon, kaya mahalaga’ng
bigyan’g pansin ang kasaysayan upang maitindihan ang nangyayari sa kasalukuyan.
Sa halip na sisihin ang mga pagkakamali ng mga ninuno natin nuon, ay gawin
nalang natin ngayon ang mga nararapat. Tama na ang sisihan sa kung sino ang
mali o sino ang tama, gawin ang dapat gawin.
Ano po ang aralin sa tejeros contention
TumugonBurahinbakit pinawalang bisa ni andres bonifacio o masmalalim na dahilan maliban sya ay naging pikon
TumugonBurahinhi magandang araw po, sori ngayon ko lang na buksan ulit ang blog...pinagwalang bisa ni bonifacio ang tejeros convention, dahil sa sya ay nagalit nang ang ang taga magdiwang lalo na si terona ay hindi ginalang ang napag-usapan na kung sino man ang mananalo ay dapat itong tanggapin.
TumugonBurahinPaano po ang naging dayaan sa tejeros convention, sino po mga kasabwat
TumugonBurahinayon sa mga historyador, may mga nakasulat na daw na pangalan ni aguinaldo sa balota, sabi pa eh, biktima ng dagdag bawas si supremo
TumugonBurahinSino ang pangalawang pangulo?
TumugonBurahinAno po ang advantage at dis advantage po nito
TumugonBurahinAno PO ba ang mahalagang pangyayaring natatak SA kasaysayan
TumugonBurahin