PLAGIARISM



Kapag ang iyong cellphone ay sapilitang kuniha sa iyo, ito ay pagnanakaw, kapag ikaw ay ikaw ay nakalikha o may nilikhang isang bagay, maging ito man ay iyong isinulat,na ginamit ng ibang tao, ng wala ang iyong pahintulot, ito rin ay pagnanakaw,ninakaw mo ang kaalaman ng isang tao, ninakaw mo ang kanyang likha, ito ang tinatawag na plagiarism,subalit ano nga ba ang pinagka-ibahan nito sa pagnanakaw o sa pagnakaw ng isang bagay, para bang mas nanaisin mo pang masuntok o masabihan ng masakit na salita, kapag ikaw ay nanakawan ng isang bagay, maari pa itong mabalik sa iyo, o makabili ng bago, pero kapag naman ikaw ay nanakawan ng kaalaman, ay mas masakit, sino ba dito sa atin ang gustong kopyahan ng walang pahintulot.

Isa sa mainit na balita ngayon ay ang panggagaya ‘di umano ni Senator Tito Sotto sa kanyang speech una sa hanggang ngayong pinag-uusapan parin’g RH BILL, dahil ilan sa mga sinabi daw niya ay mula sa Blog entry ni Sarah Pope, ngunit nasunan pa ito nitong bago lang, nang nagkaroon uli ng speech si Senator Sotto,ginaya din daw niya ito sa speech ni dating U.S. Senator Robert Kennedy nuong 1966 sa A Day of Affirmation sa South Africa, depensa naman ni Sen. Sotto, tinagalog lang niya an gang text na natanggap niya, at ayun, bugbog sarado na naman siya sa social media site, pero teka, sandal hindi lang naman si Senator Sotto ang unang taong naakusahan ng plagiarism, Kung inyong matatandaan si Mr. Manny V. Pangilinan o mas kilala sa tawag na MVP, isang kilalang negosyante, big boss ng isang TV Network at Telephone Company,  ay minsan narin’g naakusahan ng plagiarism nun’g mag-speech siya sa graduation ng Ateneo, at ang balita pa ay, kimopya daw niya ito mula sa tatlong kilalang tao sa Amerika, ito sina Pangulong Obama, ang sikat na host ng Oprah, na si Oprah Winfrey, at ang pamosong manunulat ng Harry Potter na si J.K. Rowling, ngunit sinabi din naman ni MVP ang kamalian, Si John Lennon ang sikat na miyembro ng the beatles noong 60’s, ay minsan din’g nakasuhan ng lawsuit dahil sa ginamit na lyrics ng kanyang kantang come together, pinalitan lang daw ni Lennon ang ilang liriko ng kanta ni Chuck Berry na you can’t catch me, iilan lang silan’s mga kilalang personalidad na naakusahan ng panggagaya, o plagiarism,ngunit ano nga ba ang ito?, ang plagiarismay isang panggagaya ng likha na nagawa ng isang tao, ibig sabihin upang ma-iwasan ito, kailangang humingi ng pahintulot sa taong gumawa ng orihinal na likha.

Ngunit,sandali lang sa mga depensa nila Ginoong Sotto sa mga akusasyon sa kanila ay, panggagaya parin ang tawag dito, kahit anong rason pa man yan, panggagaya parin ang tawag dito, pero sino nga ba tayo para husgahan at bugbogin sila sa mga social media,sige nga magtaas ng kamay kung sino dito sa atin ang hindi nangopya nun’g nag-aaral pa o kasalukyang nag-aaral, at sino naman dito sa atin ang mahilig manuod ng pirated DVD’s,sino bas a atin ang nalungkot ipasara ilang websites na maari kang magdownload ng mga movies at music ng libre, hihirit kayo ng hindi naman plagiarism yun eh, oo hindi nga plagiarism tawag du’n pero, pagnanakaw parin yun, may kasabihan nga he who has sinned cast the first stone.

Sabagay may kasabihan rin’g ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

TEJEROS CONVENTION 1897: Ang Una'ng Eleksyon

HENERAL LUNA

ANG HALiGi