FiNOY AKO



Ang Filipinas kung ito’y tawagin nu’ng panahon ng mga kastila, at tayo ay mga Filipino, at kung bakit ngayon ay Pilipinas at Pilipino ang tawag nating mga “finoy”?, ay dahil narin sa ating pananalita na walang “F”, dahil sa alpabetong Pilipino ay wala ring” F”, pero ‘to ang tanong ko,  tayo nga ba ay tunay na Filipino?, ipinagmamalaki nga ba natin ang ating kulay at lahi?. Pag memoryado mo ba ang lupang hinirang ay pinoy kana? Na kung tawagin nga ng iba ay BAYANG MAGILIW?, kung nagsusuot  ka ng three stars  & the sun at may mga higanteng mukha ni Rizal? At pag magaling kang magtagalog ay tunay kanang Filipino ?.

Bago pa tayo tinawag na filipino o Pilipino at pinangalanang Filipinas ang bansang ito, tinawag muna itong Islas de San Lazaro ni Fernando de Magallanes o mas kilala sa pangalang Ferdinand Magellan noong madiskobre ng grupo niya ang islang ating tinitir’han ngayon noong  1521,  ngunit ito’y pinalitan sa ilalim ng pamumuno ni Ruy Lopez de Villa Lobos noong 1543 ng Las Islas Felipinas, ito ay mula sa pangalan ng noo’y hari ng Espanya na si Felipe II, subalit ang mga pulo lamang Samar at Leyte ang tinawag na Las Islas Felipinas, Pero di rin nagtagal ito ay ipinangalan sa buong arkipelago, at dito nagsimula ang pangalang Filipinas hanggang sa naging Pilipinas, Naisip ko tuloy bagay kaya sa atin ang tawag na Lazarean kung di napalitan ang pangalan ng ating bansa?. Baka Lazarean si Lapu-lapu, kasi di pa pinangalanang Filipinas ang bansa natin noon eh.                                Filipino nga tayo, pero ang pinagmulan naman ng pangalan ng ating bansa ay mula sa pangalan ng hari ng Espanya, sabagay ang mga filipino lang naman tlaga nuong araw ay yung mga kastilang ipinanganak sa Pilipinas, at tayo ay kung tawagin nilang Indio, ito kasi ang tawag nila sa mga ninuno natin, o yung mga Austronesian karamihan sa tinog silangang Austronesian, at kabilang tayo dun. 

Mula noong panahon ng kastila, noong kasagsagan ng laban natin sa kanila may mga puti nang nakiki-alam sa ‘tin bago paman nila tayo tinulungan sa laban natin sa mga hapon, ay sinakop muna nila tayo, tingnan nyo noong World War II kahit gaano katapang ang mga pilipino ay daig parin tayo ng mga singkit na hapon, sumuko lang naman ang mga hapon noong nagalit na nang husto si Uncle Sam eh, 'di na kasi kaya ni Juan dela Cruz. Hanggang sa panahon natin nakakabit parin ang mga puti sa atin o di kaya tayo ang nakakabit sa kanila, nagmamayabang pa tayo sa usong laro ngayong football soccer kesyo pinoy daw, Filipino pride daw ang mga myembro ng kuponan, pero syempre mas masarap manalo na purong pinoy talaga ang kumilos, tingnan mo halos naman lahat sa kanila ay may ibang  lahi ang dugo, ang coach nila ‘di naman Filipino yun eh, kundi German. Sa kabila ng mga tagumpay at kasikatan ni boxing champion Cong. Manny Paquiao ay kaakibat nito ang amerkanong si Freddie Roach, magaling nga naman si pambansang kamao natin at iba pang atleta, pero mas lalong sumikat si Cong. Manny noong nasa likod na niya si Coach white Man, marami naman tayo sigurong mga magagaling na pinoy kaso nga lang kulang sa suporta, at mas nakikita pa ng ibang lahi ang ating angking galing, tingnan mo mas sumusikat sa ibang bansa ang mga artists natin dito, ano kaya dahilan?, di ba tayo marunong tumingin ng magaling? O mas importante ang ganda ng artist kesa sa talento at utak nito.

Kahit sino dito sa atin mas gusto ang tatak U.S. kesa sa tatak Pinoy na produkto, anong dahilan? dahil daw ba kulang sa kalidad ang produkto natin? Dahil daw baduy? , ah basta ako wala sa kulay o kung ano paman, ang mahalaga “I’M PROUD TO BE A FILIPINO” ipinagmamalaki nga ba? Ewan ingles kasi eh.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

TEJEROS CONVENTION 1897: Ang Una'ng Eleksyon

HENERAL LUNA

ANG HALiGi