DEMOKRASYA


Parati natin naririnig ang salitang Demokrasya, kahit bata madali nilang nasasabi ang demokrasya
Siguro para sa iba ang pinaka madali nilang masasabi ay ang karapatan, ngunit naiintindihan ba natin ang salitang ‘to?. Kung may gusto kang gawin at ayaw kang payagan ang laging sinasabi, “anong paki mo pilipinas to may demokrasya”, ang rason dahil sa may kalayaan tayo sa gusto natin ay ang demokrasya.  

 Ang salitang demokrasya ay mula sa salitang griyego na demokratia o dalawang salita na pinagsamang demos ibig sabihin mga tao at krato kapangyarihan sa madaling salita  power of people, ganu’n din ang ibig sabihin  nung nangyaring edsa revolution,  demokrasya ang ginamit ng mga tao o people power at sa kanta ni john lennon na power to the people.

Noon paman ang pagkakapantay-pantay at kalayaan na ang kinikilalang mahalagang katangian ng demokrasya, ang mga prinsipyong ito sumasalamin sa lahat ng mamamamayan sa pagkakaroon ng pagkakapantay-pantay sa batas, at isa rin ito sa terminong demokrasya  na ginagamit ng karamihan, maliban sa pagkakaroon ng pagkakapantay-pantay sa batas nariyan din ang kalayaang magsalita, ang Kalayaang pang-mamamahayag at ang mainit ngayon o kahit noon paman ang karapatang pantao.
Ang karapatang pantao ang isa sa pinaka matindi sa lahat ito minsan ang madalas na naa-abuso.

Sabi nila dahil sa sobrang demokrasya kaya tayo nagkakagulo, kaya naman kasi nagkakagulo dahil inilalagay nila sa ibang antas ang demokrasya  sana lang naman naiintindihan nila ang demokrasya di dahil sa may demokrasya o kalayaan ay may karapatan kanang manakit, karapatan gawin ang gusto mong gawin at hindi mo na naiisip na may nasasaktan ka ng ibang tao, may naaapakan ka ng karapatan at kalayaan at di mo na naiisip kung ito ba ay tama o mali, di dahil sa nasa demokrasyang bansa ka may karapatan ka ng paglaruan ang batas.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

TEJEROS CONVENTION 1897: Ang Una'ng Eleksyon

HENERAL LUNA

ANG HALiGi