BIKTIMA, TULISAN, VIGILANTE GROUP & the HUMAN RIGHTS
Mga bagong gadgets, bagong
bags, mga usong cellphones at usong laptops at kung anu-ano pang mga
mamahaling bagay, uso basta kung anong bagong mga labas na estilo o produkto
‘to ay mga uso, at sa mundo ng
teknolohiya o internet kapag may
sikat na personalidad o tao, at kung ano pang merong mga uso diyan sila ang
tinatawag na trending, bakit ko sinasabi ang mga ‘to? , at ano ang ka-ugnayan
nito sa sasabihin ko ngayon?, kasi naman ang mga usong ito ay masarap sa mata
ng mga masasamang loob, at kasi naman sa lahat ng uso at trending ito na yata
ang pinaka-ayaw ko ang “HOLD-UP”.
Ang laman ng balita ngayon sa davao city ay ang mga
holdapang nangyayari sa lungsod, aba! Wala na yatang pinipiling lugar at oras
ang mga tulisan ngayon, kahit tanghaling tirik ang araw, at sa nakakasiglang sikat ng araw sa umaga eh
tumitira na sila, ‘ika nga eh business is business. Nagsimula yata ang pag-uso ng
mga hinayupak na ‘to nung makaraang mapaslang at matapos holdapin ang walang
kalaban-labang Filipino-Chinese nurse, at simula ‘nun sunod-sunod na nga ang
mga balita sa serye ng holdapan dito sa lungsod ng davao.( ewan ko lang kung totoo hah marami kasi sa mga text messages at sa facebook eh), pero kelangan parin natin mag-ingat.
Ang mga salarin kung tawagin daw ay riding in tandem armed men, ‘alang hiya parang batman & robin lang eh no?. Takot ang mamamayan ng lungsod parang napapraning, pa’no ba naman kasi di tayo sanay sa ganito, minsan na yatang nahirang ang davao city na most livable city,livable para sa maga taong walang ginagawang kabalbalan dito sa Lungsod, pero sa mga balak o nagbabalak gumawa ng ka-walanghiyaan dito eh siguro ‘di ito ang lugar na para sa inyo.

Kilala ang lungsod nuon dahil sa mga vigilante group, na naglilinis ng basura sa davao, pero ‘yung basura na tinatawag nating latak ng lipunan, o yung mga tulak at tulisan, halos di nawawala sa balita ang mga vigilante group noon o mas kilala sa bansag na DDS(DAVAO DEATH SQUAD), at paborito rin silang meryandahin ng mga tga Human Rights, kasi nga daw karapatan din ng mga kriminal na mabuhay, pero daing ng mga biktima ng mga pusakal na Kriminal pa’no naman daw ang kanila mga ka-anak nila ‘di ba’t karapatn din nila yun?, Kaya matagal din namahinga ang mga vigilante group sa kanilang operasyon, parang nagfile lang ng leave sa isang kompanya.
Sa gitna ng pamamahinga ng mga vigilante ay sya namang unti-unting pag usbong ng krimen sa
lungsod, at lalo pa ngayon na nahaharap tayo sa isang matingding pagsubok, gusto
ng mga tao na muling ibalik ang tinatawag nilang DDS, na para bang mga superhero sila ngayon at maraming gustong maging aktibo sila ulit,
na kung ating matatandaan ay minsan na silang binatikos ng Human Rights at pati na mga mamamayan kasi nga daw parang nabubuhay
sila sa pagkitil, parang pinalayas mo na tapos pinabalik mo, kakalito no?.
Pero 'di nyo ba napapansin imbis na ang isigaw ay pa-igtingin ang pagroronda at pagbabantay ng mga alagad ng batas bakit mas gusto pa natin ang batas ng DDS, ano bang dahilan?, dahil ba sa kulang ang sipag ng ating kapulisan?, dahil sa bagal ng ating hustisya?, at kung kaya’t mas gusto nating sila na ang magpataw ng hustisya?. O di kaya ay dahil ma-inipin lang tayo at nagpapadala tayo sa matinding emosyon natin kung kaya't naiisip natin ang mga ganitong bagay.
Ito lang ang masasabi ko at inu-ulit ko 'wag munang maniwala basta-basta sa mga kumakalat na text messages, at dahil baka ang iba sumasakay lang sa isyu, at kung ano mang dahilan nila ay di ko rin alam, basta makinig muna, magbasa at manood ng balita para di tayo masyadong mag-alala at mataranta, at mag-ingat po tayong lahat at manalangin.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento