POEMS II


SA KABILA NG LAHAT
Sa kabila ng tagumpay meron paring nalulumbay,
Sa kabila ng pagkapanalo ay meron paring bigo
Sa kabila ng halakhak marami paring nalulungkot at umiiyak,
Sa kabila ng saya meron paring nawawalan ng pag-asa,
Sa kabila ng katotohanan marami paring naniniwala sa kasinungalingan,
Sa kabila ng ginhawa marami parin ang nagdurusa,
Sa kabila ng liwanag ay kadiliman parin at walang naaninag,
Ngunit tandaan sa kabila ng lahat nariyan parin Siya.

INA
Bisita sa sariling tahanan, dayuhan sa sariling bayan,
Sariling pagakain na di matikman, sariling tirahan na di matir’han
Di kilala ang sariling magulang, di ka anu-ano ang kamag-anak,
Kaibigang kaaway, kaway ng kaway di naman nakikita,Di naman nararamdaman,
Larawan na walang imahe, nakangiti at umiiyak,
Luhang pumapatak mula sa mukha na wlang mata,
Nag-iibang kulay, naagnas na bangkay, nakahimlay, nakahiwalay,
Si inay, si itay nalulungkot nalulumbay, may pag-asa pa ba?
Ang tanong,…ang tanong na walang sagot.

ANG PAG-ASA
Sa gitna ng gutom at tagtuyot, may mga ma-aamong tupa,
Na lumalapa ng leon, kumakain ng mababangis na tigre, inu-uod na buwitre,
Mga batang walang muwang, gumagapang nagiging matapang,
Iilan lang silang mga talunan ang nanalo sa labanan,
At iilan lang silang mga matatapang ang lumalaban, lumalaban ng parehas.
Mga kahoy na rehas, mga walang kwentang alahas, na hugis ahas,
Mga tahimik na malalalim, mga kahoy na nagiging sandata,
Matatalim, matutulis ,nakakahiwa, tinitiis ang mga hinagpis,
Sana’y makahinga ng maluwag, may liwanag na maaaninag ang mga bulag.

PEPE
What’s the story behind the smile?
What’s inside mysterious eyes?
Images and pictures are left,
Your words can slit a flesh, your pen can explain,
Anger and pain, it tells what is really happening,
Many are bothered, worried and scared,
Your mother cries, and her tears fell down,
It turns red, and the blood starts to spread,
But you fear not, you cry not, You knew your fate already,
before your death, You stay calm and steady,
Even your pulse beats calmly.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

TEJEROS CONVENTION 1897: Ang Una'ng Eleksyon

HENERAL LUNA

ANG HALiGi