FiNOY AKO
Ang Filipinas kung ito’y tawagin nu’ng panahon ng mga kastila, at tayo ay mga Filipino, at kung bakit ngayon ay Pilipinas at Pilipino ang tawag nating mga “finoy”?, ay dahil narin sa ating pananalita na walang “F”, dahil sa alpabetong Pilipino ay wala ring” F”, pero ‘to ang tanong ko, tayo nga ba ay tunay na Filipino?, ipinagmamalaki nga ba natin ang ating kulay at lahi?. Pag memoryado mo ba ang lupang hinirang ay pinoy kana? Na kung tawagin nga ng iba ay BAYANG MAGILIW?, kung nagsusuot ka ng three stars & the sun at may mga higanteng mukha ni Rizal? At pag magaling kang magtagalog ay tunay kanang Filipino ?. Bago pa tayo tinawag na filipino o Pilipino at pinangalanang Filipinas ang bansang ito, tinawag muna itong Islas de San Lazaro ni Fernando de Magallanes o mas kilala sa pangalang Ferdinand Magellan noong madiskobre ng grupo niya ang islang ating tinitir’han ngayon noong 1521, ngunit ito’y pinalitan sa ilalim ng pamumuno ni Ruy Lopez de...