MAHAL KITA.....MAMATAY KA




Pebrero na, buwan na naman ng mga puso, ito ang buwan ni Saint Valentine, buwan ng mga magsing-irog, mag-asawa.

Ano nga ba ang pag-ibig, ang pagmamahal, ang pag-ibig ba ay dapat lang sa mga mag-nobyo at mag-nobya?,sa mga mag-asawa? iba’t-iba ang anyo ng pag-ibig, may pag-ibig sa/ ng Diyos at sa mga  likha Niya ,  pag-ibig sa mga magulang, sa mga kapatid, sa anak, kaibigan, at sa kaaway, oo mga pare at mare, sa kaaway, sabi nga ng Diyos, mahalin mo ang iyo’ng mga kaaway, kaya huwag kana’ng humirit pa ng, ayyyy I hate him, I hate her dude, pag-ibig sa ina’ng bayan, pero may kasabihan nga raw, ang lahat ng labis ay nakakasama, pero hindi naman lahat, sa sobra nga’ng pagmamahal sa atin ng Diyos ay nagkaroon ng pasko dahil isinilang ang Taga-pagligtas dalawa'ng libo'ng taon na ang nakakaraan.
Ang tao kapag nagmalabis sa kanya’ng pag-ibig ay maaari’ng magdulot ng hindi kanais-nais, dahil sa nagiging makasarili,ika nga ni Freddy Mercury eh, too much love will kill you, ilang beses ng nasaksihan ng mundo ang mga krimen tungkol sa mga pag-ibig, sa pagpatay ng dahil sa sobra’ng pagmamahal, nagpakamay ng dahil rin sa sobra’ng pagmamahal at selos.

Para sa akin isa sa pinaka-karumaldumal na nangyari ng dahil sa sobra’ng pagmamahal, ay ang kaso ni Elsa Castillo, sino ba naman ang hindi nakakaalala sa kaso niya noon’g dekada nobenta, ang wala’ng awa’ng pinag puputol na katawan, kaya nga binansagan'g the chopchop lady, at ang salarin ay ang kanya mismo’ng kinakasama na isa’ng dayuhan. Siguro dahil sa gusto ng kumalas ni Elsa sa kanilang relasyon, ayaw payagan ng lalaki, kaya humantong sa malagim na katapusan ang buhay ni Elsa. Itinapon pa at ikinalat ang iba’t-iba’ng mga bahagi ng katawan sa kahabaan ng kalsada.

Wala’ng pinipili’ng taon at tao ang mga ganito’ng pangyayari,  dahil sadya’ng makapangyarihan ang pag-ibig. Sa kasaysayan noon’g 1892 ang kaso ni Juan Luna, ang isa sa gumulat sa akin, dahil sino’ng mag-aakala’ng ang isa sa mga bayani ng atin’g bansa, illustrado, propagandista at kaibigan ni Dr. Jose’ Rizal at dakila’ng pintor, alagad ng sining ay minsan'g nasangkot sa kaso ng pagpatay sa kanya’ng asawa na si Paz Pardo de Tavera, dahil buo’ng buhay ko ay namulat ako tungkol sa kanya’ng kabayanihan, sa mga nagawa niya sa atin’g bansa. Grabe pala magmahal ito’ng si Pare’ng Juan, hindi lang ang kanya’ng asawa ang napatay niya, pati ang biyenan niya na si Juliana, nasugatan rin ang bayaw na si Felix, ang mga Pardo de Tavera ay kaibigan ni Juan Luna,at dalawa sa miyembro ng mga Pardo de Tavera ay kaibigan ng dakila’ng pintor, si Felix at Trinidad Pardo de Tavera.
Marami ang nagsasabi, na  ang isa sa ugat ng krimen ay ang plano ni Juan Luna na paglipat sa espanya kasama ang kanya’ng pamilya,  subalit ito ay tinutulan ng ina ni Paz, dahil nga sa ugali ni Luna na madali’ng mag-init ang ulo, (Naku!, magkapatid nga ang dalawa’ng Luna, pareho sila ng kapatid niya’ng si Heneral Antonio Luna, palagi’ng Highblood). Pero may mga nagsasabi’ng ang pinakamatindi’ng dahilan ay ang kanya’ng labis na pagseselos, naging paranoid si Juan Luna, nagdududa siya’ng may iba’ng lalaki si Paz na nagngangalan’g Monsieur Dussaq.                                                                                                                                 

Marahil ang iba ngayon ay nag-iba ang paningin sa atin’g bayani, pero tao lang din si Juan Luna, nagkakamali at minsan'g nagkamali, tulad natin'g lahat na nagkakasala, nagkataon lang na isa siya’ng kilala’ng tao,at hindi lang basta kilala’ng tao, naging bahagi rin siya ng kilusan'g reforma, rebolusyon at kapatid ng magiting na Heneral Antonio Luna, siguro ang akala ng iba ay hindi makakagawa ng ganito’ng klase’ng krimen ang isa’ng tulad ni Luna, katulad ng iba’ng tao si Juan Luna ay nagkakasala din gaya nga ng nasabi ko na, nagkakamali, nagkakasala, nasasaktan at nagmamahal kaya lang ay nasobrahan, napatay niya tuloy ang kanya’ng biyenan at asawa.
Wala'ng masama sa pagmamahal, huwag nga lang maging makasarili, at huwag magpapadala sa galit, dahil dalawa lang pwede’ng mangyari, ikaw ang masasaktan o ikaw ang makasakit.



Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

TEJEROS CONVENTION 1897: Ang Una'ng Eleksyon

HENERAL LUNA

ANG HALiGi