TEJEROS CONVENTION 1897: Ang Una'ng Eleksyon
Eleksyon na naman, panahon na naman ng pakikipagplastikan sa isa’t-isa ng mga kandidato, panahon na naman ng dayaan? Ang mga magkakalaban nuon? Magkakampi na ngayon, ang mga magkatunggali nuon? Magkasangga na ngayon. Samu’t sari’ng pangako na naman ang bibitawan, pero may natutupad ba? Aba’y ewan ko. Ito rin ang panahon na marami’ng kalsada ang aayusin, pero sandali, aayusin nga ba? At bakit naman sa tuwing nalalapit ang eleksyon gagawin? Ano ang binabalak? Ano ang plano? Ang tunay plano? Marahil ang halos lahat sa atin ay alam na sagot. Sa nalalapit na eleksyon, mayroon na naman ba’ng mawawalan ng mahal sa buhay? Mababawian ng buhay? Mga gahaman sa kapangyarihan. Gagawin ang lahat para lamang manalo, dayaan, bilihan ng boto, dagdag bawas, marumi at magulo’ng eleksyon. Pa'no nga ba nagsimula ang eleksyon at kailan? Sa kasaysayan sinasabi’ng at tinuturing na una’ng eleksyon ay ang Tejeros Convention ng mga Pilipino’ng Revolusyonaryo o mga kasapi ng ...