KAPATID
Hindi ko akalaing aabot sa ganito, pero inasahan kong aalis din dito, medyo matagal-tagal ko’ng pinag-isipang gawin ‘to, hindi ko nalang din hihiritan ng ingles, dahil baka may humirit na namang nosebleed, at hindi rin ako magaling mag-ingles, at kung hihirit pa kayo ng nosebleed sa kabila ng pilipino ang gamit ko, at hihingi ng panyo, aba ewan ko nalang. Sa mga letra ko nalang ibabahagi ang mga saloobin at mga pangyayari sa loob ng mahabang panahon-hindi naman talaga ganuon katagal, buti nalang may microsoft word na kung hindi, baka bibili pa ako ng papel sa tindahan, puro bura ng tinta ng ballpen ang papel. Una sa lahat, isang pasasalamat sa Diyos, at dahil nakilala ko ang isang matagal nan'g naging kaibigan, na naging daan upang ako’y mapadpad sa sementadong gusali na heganteng kompanya na pinupuntahan ko araw-araw, sa kompanyang ito natuto akong mangolekta na kung tawagin ay memorandum, hindi ko nalang sasabihin ang kasaysayan ng memorandum nayan, sangkatutak na papel na...