TRESE'
Marami tayong mga pinaniniwalaang malas at mga bawal, o mga pamahiin, malas ang magwalis sa gabi, ‘di raw pwede’ng dalhin ang pagkain sa bahay galing libing, at kapag ikaw naman ay namatayan ng kamag-anak o ito’y pinatay, maglagay lang dawn g sisiw sa ibabaw ng kabaong nito, para madaling malutas ang kaso, kapag nakakakita ng pusang itim ay agad tayong umiiwas, bakit? natural lang naman ang pusang itim ah, mas nakakatakot pag may pusang kulay bughaw o pula, at kung anu-ano pang mga paniniwalang hanggang ngayon ay pinaniniwalaan parin, pero isa na yata sa pinakanakakatakot sa lahat ay ang numerong trese' oo sa English 13, ewan ko ba kung anong meron sa numerong ito at maraming natatakot, mas lalo pang pinatindi kapag dinagdagan mo na ng biyernes sa unahan, viernes trece', tingnan ko lang kung di kapa kilabutan. Nung una parang ayaw ko’ng isulat ‘to, kasi nga malas daw eh, pero sabagay ano nga ba ang meron sa viernes trece o Friday the 13 th ?, eh ordinaryong araw a...