RIZAL SA SABAH???




Kamakailan lang ay laman ng mga balita ang madugo’ng nangyari sa sabah, Malaysia, kung saan sangkot ang mga Filipino at Malasyians, pareho’ng kayumanggi ang kulay

Bigla ako’ng napaisip hanggang ngayon parin ba ay pinag-aagawan parin ng dalawa’ng bansa ang sabah, at bigla ko rin naisip tungkol sa isinulat ni Ambeth Ocampo sa kanya’ng aklat na Rizal without the overcoat, muntik na pala’ng naging taga sabah ang pamilya nina Rizal.

Magbalik tanaw isa’ng daan’g taon ang nakakalipas.                                                                                                           

Sinasabi’ng hindi naman raw talaga ang mga Rizal ang may ari ng lupa’ng kanila’ng sinasaka, oo hindi talaga nila pag-aari ang lupa, kundi ito ay pagmamay-ari ng mga dominicano, na nagkaroon ng problema tungkol sa mga nagrerenta ng mga lupa nila na mga taga calamba, at dahil dito ay tumayo bilang  tagapagslita si Pepe, at sinabi’ng kaliang magtiwala sa espanya, umaasa si Jose’ Rizal na tutugunan ng pansin ang problema sa lupa’ng kanila’ng sinasaka, subalit ang nuoy Gobernador heneral na si Weyler ay naging isa’ng malupit na Pinuno, agad siya’ng nagpadala ng mga sundalo sa calamba, ipinag-utos na palayasin ang lahat ng mga naninirihan duon, sapilitan’ng pinaalis ang mga calambeño sa kanila’ng tirahan, kabilang na ang pamilya ni Rizal.
1892, inisip ni Jose’ Rizal na siguro’y mainam na dahil sila sa Sabah (North Borneo). 
Minsan sa isa’ng paglalakbay ni Pepe ay may nakilala siya’ng isa’ng Briton, (ang Malaysia nuon ay dati’ng pinamumunuan ng bansa’ng Briton). Nagpakilala’ng isa’ng opisyal ng Briton na pinangakuan siya ng tulong, siguro ay tila may nakikita’ng pag-asa si Rizal, sumulat siya sa pamahalaan ng Espanya na humihiling na magpapalit na ng pangalan ng lahi,hindi na sila magiging taga Pilipinas Sa isa’ng sulat ng kapatid ni Rizal sa isa’ng tiyahin ay sinabi niya’ng nasa sa Sandakan si Pepe, at duon na kami maninirahan, at ang mga anak namin ay tatawagin ng taga-borneo.
Subalit ang plano’ng ito’y naglaho, dahil sa hindi pinayagan ng pamalahaan ng espanya ang hiling ni Rizal.
Siguro kung natuloy ang plano nina Rizal na manirahan sa Borneo, ay wala tayo’ng makilala’ng Jose Rizal ngayon, hindi siya mababaril, wala’ng luneta, wala’ng katipunan na itatatag si Andres Bonifacio, at wala’ng Heneral Aguinaldo na sasapi sa Katipunan na siya  rin'g magiging pangulo ng bansa, at wala malamang Republica ng Pilipinas. Sadya’ng may dahilan ang lahat ng nangyari, mukhang totoo ang sinabi ni Rizal sa isa mga liham niya. “I know that, at present, the future of my country gravitates in part around me”, aba tingnan mo nga naman nagka totoo.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

TEJEROS CONVENTION 1897: Ang Una'ng Eleksyon

HENERAL LUNA

ANG HALiGi