ANG HALiGi



Ang haligi ng tahanan, ang tagapagtaguyod ang simbolo ng katapangan sa pamilya, ang ama o ang lalaki, Sabi nga nila tayo daw masusunod, pero mayroon rin ibang nagsabing iba na raw ngayon sa panahong moderno, sa panahong di lang ang lalaki ang simbolo ng lakas at tapang, sa panahong kaya narin daw ng babae gampanan ang tungkulin ng lalaki, sa katunayan sa kasaysayan ng Pilipinas ay dalawang babae na ang naging Presidente, at isa na nga rito ay masyadong kontrobersyal, pero 'wag na nating ungkatin pa, basta ‘wag na ayos ba yon?.

 Ano ang gusto kong ipahiwatig?, ano ang gusto kong sabihin?, eto yun eh, sabi ng kaibigan ko kahit gaano pa raw ka-angas ang isang lalaki pag si misis na ang nagalit, siguradong magtatago ang buntot nito, kahit sinong matapang ay dadaigin ng bangis ni misis, may kasabihan nga walang matigas na tinapay sa mainit na kape, dahil nga raw shotgun lang ang gamit mo pero iba ang gamit ni misis isang mabilis ngunit deadly naman kung gamitin eto ang machine gun, oo pare machine gun.      Sinasabing weaker sex daw, pero salungat ito sa mga nangyayari ngayon, salungat ito sa paniniwala ng mga kababaihan, dahil kaya na raw nilang gawin ang mga ginagawa natin.

Kaya ganito ang paniniwala ng ilan sa atin, kasi naman halos yata ang namumuno ay lalaki, ang karamihan sa mga mayor ay lalaki, president lalaki parin, kaya kapag may isang babae ang umupo sa isang pwesto, parang kakaiba ang dating, parang ewan, hirap ipaliwanag, Pag lalaki kasi ang namuno, iba raw ang tapang, mabangis, pero wla nang sing-bangis ni ate nu’ng siya ang umupo nung nakaraang administrasyon. Sanay na kasi tayong lalaki parati ang nagpapatakbo ng isang, lugar, opisina, bansa o kaharian, pero sa Inglatera Reyna ang namumuno, pero kahit Reyna ang namumuno ‘di pa rin ipagkakailang “kaharian” ang tawag sa nasasakupan niya, mula sa salitang ugat na hari, ibig sabihin ang hari ay isang lalaki, hanggang ngayon kahit babae ang namumuno, ‘di “Kareynahan” ang tawag, Inuulit ko-Kun’di KAHARIAN.

Kunyari matapang at tunay na lalaki si mister, ngunit humanda ka pag-uwi, ihanda ang sarili at mag-ensayo na sa iyong pinakamabisang rason, yung kapanipaniwalang rason, yung tipong pang best-actor, baka sakaling ipagtimpla kapa ng kape ng mahal mong asawa. Kunyari sa inuman payabangan kung sino ang pinakamatapang pagdating sa ilaw ng tahanan, kunyari tiklop si misis isang sigaw lang, pero ang totoo pagginabi na at biglang dumating si misis sa inuman, ikaw ang titiklop pag sumigaw na si komander, kelangan pag may lakad ay suguraduhing maka-uwi sa tamang oras dahil kung hindi lagot ka, sa harap ng barkada kalmado pero sa harap ni misis kabado, kaya pag naka-uwi ng matagal, nagiging mabait, nakakapagtimpla ng gatas sa anak kahit di na utusan, at kung may planong lakad ay magpapakabait muna, para payagan. Pero sabi nga eh di naman daw ito simbolo ng pagiging under the saya, sadyang mahal lang talaga natin ang asawa natin.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

TEJEROS CONVENTION 1897: Ang Una'ng Eleksyon

HENERAL LUNA