TRESE'



Marami tayong mga pinaniniwalaang malas at mga bawal, o mga pamahiin, malas ang magwalis sa gabi, ‘di raw pwede’ng dalhin ang pagkain sa bahay galing libing, at kapag ikaw naman ay namatayan ng kamag-anak o ito’y pinatay, maglagay lang dawn g sisiw sa ibabaw ng kabaong nito, para madaling malutas ang kaso, kapag nakakakita ng pusang itim ay agad tayong umiiwas, bakit? natural lang naman ang pusang itim ah, mas nakakatakot pag may pusang kulay bughaw o pula,  at kung anu-ano pang mga paniniwalang hanggang ngayon ay pinaniniwalaan parin, pero isa na yata sa pinakanakakatakot  sa lahat ay ang numerong trese' oo sa English 13, ewan ko ba kung anong meron sa numerong ito at maraming natatakot, mas lalo pang pinatindi kapag dinagdagan mo na ng biyernes sa unahan, viernes trece', tingnan ko lang kung di kapa kilabutan.

Nung una parang ayaw ko’ng isulat ‘to, kasi nga malas daw eh, pero sabagay ano nga ba ang meron sa viernes trece o Friday the 13th?, eh ordinaryong araw at numero lang naman ang mga ‘to, bakit pag lunes trese’ o anong araw pa yan hindi naman malas ang tingin natin. Kung ating matatandaan si dating pangulong Estrada ay ika labing-tatlong Presidente ng Republika ng Pilipinas, kaya daw siya napa-alis sa pwesto dahil sa siya nga ay ika treseng umupo sa pwesto, pero may kinalaman nga ba ang numerong trese sa kaniyang kapalaran?, ‘di ba’t siya mismo ang pumili ng kaniyang kapalaran?. Sinasabing noong unang panahon na ang araw ng kamatayan ng ating Panginoong Hesus ay byernes at Siya ay ika labing tatlong Tao sa imahe ng The Last Supper, malas nga ba?, tandaan ang araw ng kanyang kamatayan ay ang araw na tayo ay kanya’ng iniligtas sa kasalanan.

Sinasabing sa mga numero, ikinukonsiderang ang dose’ ay ang numero ng pagkokompleto dahil sa maryoon lamang tayong labing-dalawang buwan sa isang taon, labing dalawang oras sa isang orasan, labing-dalawang tribo ng Israel at kung anu-ano pang mga halimbawa ng dose’.

Tingnan natin, ano nga ba ang kinalaman ng mga pamahiin sa kapalaran ng isang tao?, o mga paniniwala, at saka tayo naman talaga ang gumagawa ng kapalaran natin, kung pinili ng iba liku-likong landas ang kahantungan niya ay ganu’n din, ayun kay Hesus ang taong nabubuhay sa armas, sa armas din mamamamatay at hindi sa kung ano mang numero o pamahiin, sabi nga ng iba wala naman daw mawawala kung maniniwala ka, yun ang akala nila, pero ang totoo nawala na ang tiwala natin sa Panginoon dahil sa mas pinaniniwalaan pa natin ang mga pamahiing ito.

‘to ang tandaan nating lahat, hindi naman talaga malas ang trese’, isipin ‘nyo to, kung malas nga at walang kwenta ang numerong trese’ eh di sana wala na ang 13th month pay.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

TEJEROS CONVENTION 1897: Ang Una'ng Eleksyon

HENERAL LUNA

ANG HALiGi