ANDRES BONIFACIO (Unang Pangulo)



Katapangan, ano ba ang katapangan? Ano ang sukatan nito? Sa pag-buwis ba ng buhay? Sa pag-aalay ng sariling buhay para sa kapakanan ng nakararami? O ang magsisiga-sigahan sa kanto, at sa dami ng napapatay? para sa iba an gang pag-buwis ng sariling buhay o ang pag-aalay nito para sa kapakanan ng nakararami, ito ay kahibangan at hindi katapangan, handang mamatay para sa bayan, para’ng isa’ng Bayani ika-nga,  at isa na nga riyan ang ama ng katipunan, ang ang may-bahay ni Gregoria de Jesus na rebolusyonaryo’ng si Andres Bonifacio, o mas kilala sa tawag na, Supremo ng katipunan.
Parati natin naririnig noon o mas na kahit ngayon ang “Andres Bonifacio Atapang Atao, Aputol Akamay hindi Atakbo” isa’ng maikling linya lamang mula sa isa’ng tula ng mga bata, na para ba’ng isa’ng biro lamang, ngunit pansinin natin, kahit na isa lamang biro ay nakakabit na ang salitang “tapang” kay Andres Bonifacio, ngunit gaano nga ba natin kakilala ang Ama ng Katipunan?, marahil mas naaalala lang natin siya dahil sa pag-sigaw ng “Punitin ang Sedula!”, may saysay pa ba sa kasalukyan ang kanya’ng mga ipinaglaban noon? O sabihin na natin’g may saysay pa ba si Andres Bonifacio sa atin ngayon- sa kasalukuyan’g panahon? Sino nga ba si Andres Bonifacio?
Isinilang noong Nov. 30, 1863 si Andres Bonifacio y de Castro,panganay sa lima’ng magkakapatid na anak ng isa’ng Mestiza’ng si Catalina de Castro at Santiago Bonifacio na taga Tondo, at hindi rind aw totoo na pinanganak na dukha si Andres, kaya lang ay maaga silang na-ulila, kaya sa bata niya’ng edad ay nagtitinda na siya ng mga abaniko at mga baston, at hindi lang pala katapangan ang meron si Supremo, Talentado rin pala, Gumagawa siya ng Poster para sa mga Business Firms, alagad din pala ng sining, at heto pa, hindi mangmang si Bonifacio, kahit hindi niya natapos ang kanyang edukasyon. Mahilig din siya sa Libro, ilan sa mga binabasa niya ay ang French Revolution, mga talambuhay ng mga pangulo ng Estados Unidos, nobela nina Victor Hugo na Les Miserables, ang Nolie Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose’ Rizal, at marami pa’ng iba. Hindi lang tagalog at wikang kastila ang alam nito’ng si Bonifacio, marunong din siya ng kaunting English, dahil narin sa naging amo niya noon.                                            

Naging miyembro din siya ng Mason, at hindi basta-basta ang mga miyembro nito. Ayun sa  batikang Historyador na si Ambeth Ocampo sa Kanya’ng Libro’ng Meaning and History- The Rizal Lectures, na parati nati’ng ini-isip na  naka-camisa de chino siya naka-pantalon, naka-taas ang kamay na may hawak na bolo, at naka-sigaw, pero may isa’ng si monument si Bonifacio na gawa ng isa’ng tanyang na iskultor na si Guillermo Tolentino, makikita mo dito na maganda ang kanya’ng suot na damit, at may hawak na baril at ayun din daw sa masusi’ng pagsaliksik ni Ginoong Tolentino ay mas gusto daw ni Supremo ang kanyang Revolver kaysa kanya’ng Bolo.
Noong 1892, Sumali siya sa La Liga Filipina ni Rizal subalit ‘di nagtagal ay dinakip si Rizal ng mga Kastila at ipinatapon sa Dapitan, at sa taon din’g ‘yon  ay itinatag nila Andres Bonifacio,  Ladislao Diwa Teodoro Plata, at ng iba pa ang Kataas-taasa’ng, Kagalang-galanga’ng Katipunan ng mga Anak ng Bayan, o mas kilala sa tawag na KKK o Katipunan, na noon;g una ay isa lamang ito’ng sekreto’ng samahan na naglalayon ng kalayaan laban sa mga Kastila, subalit natuklasan din ito ng mga Kastila noong Agosto 1896, at iyon din ang simula sa pagtugis sa mga pinaghihinalaan’s kasapi sa Katipunan, kabilang na SI  Dr. Jose’ Rizal, Antonio Luna, na sa kalaunan ay naging kasama narin Katipunan at naging bantog na Heneral.
Taon’g 1897 ay Nagkaroon ng Halalan sa Cavite, sinasabi’ng ito ay ang una’ng halalan sa kasaysayan ng Pilipinas, ito ay ang Tejeros Convention,Pero iba sa nakasanaya’ng Halalan ngayon, noon ay ang mga miyembro lamang ng Katipunan ang boboto, natalo sa pagka-Pangulo ang pambato ng Magdiwang Bonifacio, wagi ang Heneral ng Magdalo Faction na si Emilio Aguinaldo, at sa pareho’ng pinatay ang magkapatid Bonifacio noon’g 1897 sa Maragondon, Cavite at ang masakit nito, hindi mga dayuhan ang pumatay sa kaniya, kundi mga kapwa Filipino, hanggang ngayon ay nababalot parin ng misteryo ang kanyang pagkamatay, dahil sa pagkakadawit ng pangalan na noo’y Pangulong Heneral Emilio Aguinaldo.
Subalit may mga historyador ngayon na isinusulong na gawing unang pangulo ng bansa ang supremo. Tanong bakit nga bang ituring o gawing opisyal na unang pangulo ang supremo? ayon sa mga kilalang historyador na sina G. Zaide, Agoncillo at M. Taylor, matapos matuklasan o malantad ang kilusan na lihim, itanatag ng Katipunan ang isang hayag na pamahalaang tinatawag na de facto, ang kanilang nahalal na Pangulo ay si Supremo Andres Bonifacio. Ngunit ang sabi ni Ginoong Mata kailangan munang kilalanin ng bawat filipino ang kahagalahan ng ni bonifacio sa atin.
muli maligayang ika isang daan at limampung taong kaarawan manong andres.
  


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

TEJEROS CONVENTION 1897: Ang Una'ng Eleksyon

HENERAL LUNA

ANG HALiGi