KAPATID


Hindi ko akalaing aabot sa ganito, pero inasahan kong aalis din dito, medyo matagal-tagal ko’ng pinag-isipang gawin ‘to, hindi ko nalang din hihiritan ng ingles, dahil baka may humirit na namang nosebleed, at hindi rin ako magaling mag-ingles, at kung hihirit pa kayo ng nosebleed sa kabila ng pilipino ang gamit ko, at hihingi ng panyo, aba ewan ko nalang. Sa mga letra ko nalang ibabahagi ang mga saloobin at mga pangyayari sa loob ng mahabang panahon-hindi naman talaga ganuon katagal, buti nalang may microsoft word na kung hindi, baka bibili pa ako ng papel sa tindahan, puro bura ng  tinta ng ballpen ang papel.

Una sa lahat, isang pasasalamat sa Diyos, at dahil nakilala ko ang isang matagal nan'g naging kaibigan, na naging daan upang ako’y mapadpad sa sementadong gusali na heganteng kompanya na pinupuntahan ko araw-araw, sa kompanyang ito natuto akong mangolekta na kung tawagin ay memorandum, hindi ko nalang sasabihin ang kasaysayan ng memorandum nayan, sangkatutak na papel na ang laman ay puro mga babala, na kesyo marami akong niliban na trabaho, palaging huli, pero laging inililigtas sa sarili ko mismong obligasyon, minsan ng naging isang malaking paaralan  ang kompanyang ito, kelangan ko pa bang banggitin ang pangalan ng prinisipal at ang kanyang kanang kamay?, naging isang teleserye mga tauhan na konting galaw lng iyakan na agad, mga mahihilig sa showbiz, mahihilig sa tsismis, maliban sa pagtatrabaho, ay hanapbuhay din yata ang pag-usapan ang ibang buhay, kahit walang katotohohanan at katuturan ay pinapatulan, at mabuti nalang hindi pala lahat ng guardya sa isang kompanya ay mga epal, at kupal, mabuti naman.

May mga naging kasama na ubod ng kupal at mga epal, mabuti nalang at ipinagbawal na kamakailan lang ang mga plastic at papel, dahil di lang plastic ang marami, nakikisali rin ang mga papel. Dito mo lang makikita na mas mahalaga ang pagkain kaysa sa mga materyal na bagay, subukan mong maglagay ng pera, kinabukasan andiyan parin yan, pero lagyan mo ng pagkain ang mesa mo, wag kang kukurap ang pagkaing iyong nilagay voila!, biglang mawawala, isa rin ito sa napasukang kompanya na magkaroon ng mga tunay na kaibigan, tunay na samahan, isang pamilya na kahit balahura, at bastos ang lumalabas sa bunganga ay tunay parin ang ipinapakita, okay na rin yun kaysa sa bunganga na parang imbornal, dito ko rin naranasan na isang baso ng kape ay tatlo kamin’g iinom, yan ang samahan, walang kaartehan.

Isang pasasalamat sa lahat ng naging kasama at sa nakasama, mga nagdaan man o sa kasalukuyan, sa konti at sa ikli ng panahon na nagsama ay para bang isang dekada ang nakaraan, wala naman kasi sa tagal ang samahan, nasa puso yan, mga pangyayari sa loob at sa labas, mga intriga at tampuhan, na kahit na plastik at epal, ay mamahalin parin, tandaan, na ang suka ay lalong sumasarap, kapag may siling marami, at maanghang talaga ang bicol express.

Muli, para sa team marex, sa IT pips, sa DARK tands, sa balahura clan, sa mga nakasama, sa naging kasama, sa mga umalis, at sa mga aalis palang, para sa lahat ng naging bahagi.....SALAMAT..

Nanatili parin ang kapatiran, hanggang sa muli mga kasama…….
PAGMAMAHAL AT KAPAYAPAAN SA LAHAT.

Mga Komento

  1. ayos pagka sulat bai... makatawa ka nga makahilak ... tsk... hindi talaga sa tagal na samahan kundi kung paano nyo pahalagahan ang isa't-isa...


    sa uulitin ! ! ! ingat sa susunod na kabanata ... :D

    TumugonBurahin
  2. hahahaha...salamat....apir ta diha

    TumugonBurahin
  3. hahahaha...salamat....apir ta diha

    TumugonBurahin
  4. hahahahh!!!..
    yeahhh.. ayos.. ahhahah!

    pagka ang kwarta jud dili mawala.. ayos.. hahahah!

    lingawa mag basa oie.. ahhaha!

    maka hilak man ta ug POPCORN. ahhahah!

    GAMBATE!!!!!! yeahh..


    TIME!:)

    TumugonBurahin
  5. hahay... di makaya... ikaw na jud.... mingawon nako sa kape og ang history nato na topic.. wala na koy ma pa ngutanaan sa mga wala nako na sabtan gikan sa Before Christ na topic hatod sa present.... specially kay Rizal na era... hahay.... but anyway ana jud ang life.. finding more greener pasture for the future of the family... oi english... to nosebleed... hehehe.... at least karon naa nay fb og mga network na (sun, globe og smart) kahit san connected gihapon... basta dili lang mag change og number..... hala taas na diay duh... kainis oi na carried away ko sa ako emotions char lang... ano man ito oi.... hahaha... tnx for the friendship and the kapatiran.... Godbless sa bagong career ;))

    Ang imo diay future na libro mapalit namo sa NATIONAL BOOKSTORE SOON....;))
    2 minutes ago · Like

    TumugonBurahin
  6. hoy! Matias Blanco! palit nako sa imong libro krn pa lang daan maski wla pa nkahardbound...hehehe...

    grabe ka tias apil man jud nimo ang solid waste management...salamat atleast naa kay nakat unan sa atong awareness bahin ana..hehehe.

    mingawon nko sa imong sayaw2, ug sa imong one pack na abs ani...hahay. anyways, padayon sa pag uswag tias. kita2 lang ta puhon kung makabisita mi nimo.

    GOD BLESS FRIEND!

    TumugonBurahin
  7. hahahahah.....alangan...bsta para sa kalikasan ug sa nasod....nice tah diha hahahhaha.......hahahahha dghang salamat...puhon-puhon

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

TEJEROS CONVENTION 1897: Ang Una'ng Eleksyon

HENERAL LUNA

ANG HALiGi