KALAYAAN???



Alam ko'ng hindi pa araw ng kalayaan ngayon mula sa mga mananakop na dayuhan, at alam ko ri'ng malayo pa ang araw ng aking kapanganakan na siya ri’ng araw atin’g kasarinlan, at ilan’g linggo pa bago ko ipagdiwang at ipagpasalamat sa Diyos ang aking ika dalawampu’t siyam na taong pamamalagi sa mundong ito. (maisingit lang aking birthday)

unang iwinawagayway ni dating pangulong Emilio Aguinaldo ang watawat ng pilipinas nuong june 12, 1898 sa kanilang ancestral house, sa Cavite il Viejo na ngayon ay Kawit,Cavite. Pero hindi daw talaga ika-12 ng hunyo, 1898 ang petsa ng ating araw ng kalayaan, kun’di july 4, dahil isinuko na ng mga kastila ang pilipinas sa amerikano,parang indepence day lang ng america? At ang gobyerno ng amerikano na mismo ang nagbigay sa atin ng pagkakalaya mula sa kanila ang july 4 ang ang ating araw ng kalayaan, hanggang sa taong 1962, sa ilalim ng dating pangulong Diosdado Macapagal, pinalitan niya ang ang petsa at ginawang june 12, sa ilalim ng Presidential proclamation No. 28.

Que amerikano, kastila o mga hapon, o sa kahit na sinong dayuhan ang sumakop sa atin, at kung anong petsa paman yan, ipagpasalamat pa rin natin na may mga ninuno tayong mga maa-angas at matatapang na isinugal ang kanilang buhay para sa ating kalayaan, at tuluyan na tayong lumaya mula sa mga mananakop mula sa ibang lahi, mahigit isang daang taon na ang nakakaraan mula ng lumaya nato sa mga kastila at amerikano, at pitum-pot pito’ng taong pananakop ng mga hapon, pero sandali tuluyan na nga ba tayong lumaya? Nasisiyahan nga ba tayo ngayon sa kalayaang ating tinatamasa ngayon? Ewan ko, tingnan natin.

Lumaya na nga tayo sa mga dayuhan, pero sakop parin tayo ng mga sakim na naka-upo sa pwesto, at ibang mga tinuring pa naman nating alagad ng batas na siya dapat nilalapitan sa oras ng panganga-ilangan, kesyo ipinaglalaban daw nila tayo, at inirerespeto ang demokrasya, at hindi daw galing sa kaban ng bayan ang ginagamit nila’ng pondo para sa kampanya sa eleksyon. Nakalaya nga tayo mula sa kamay ng malupit na pamahalaang kastila, sakop naman tayo ng mga di hamak na mas malupit pa.

Wala ngang mga mananakop, pero alipin parin tayo ng ating kababawan at katangahan, sakop pa rin tayo ng ating sariling kasakiman at kapabayaan, basta nalang tinatapon kung saan-saan ang mga basura natin, pag-ganti ng kalikasan, kung sinu-sino nalang ang sisisihin. Problema parin hanggang sa ngayon ng ibang kabataan kung ano ang dapat na bilhin nila yung Iphone 4s o yung Ipad, sabi nga ng isang kaibigan ko na itatago natin sa pangalang dowalds “I want an iphone4s but my friend told me that Android is way too cooler than iphone” . Hindi ko namang sinasabi na ayaw ko ring magkaroon ng mga ganoon, kaya lang sana maging praktikal kung ano lang yung kelangan at ano lang yung gusto, iba ang gusto sa kelangan.

Alipin parin tayo ng kahirapan, mahirap na nga ang buhay gagawa pa ng anak na marami, tapos punpunta sa isang game show at magmamaka-awa, magmumukhang tanga para lang magkalaman ang tiyan, at mga batang sa murang edad ay alam ng sayawin ang igiling-giling, at mga palabas sa telebisyong alam na alam mo na ang ending, problema parin kung sinong iboboto palabas ng bahay ni kuya na puro kababawan at ka-OA-han lang naman, nagpopost ng mga walang kwentang bagay kung ano ginagawa ngayon, kunyari magpopost ng shiiiitttt sakit ng ulo ko, sakit ng puson ko, o ngayon? maskit ulo mo at puson mo, ano naman sa amin yun?, bakit mo ipu-post? Mawawala ba ang sakit nu’n?, at saka uminom ka ng gamut at matulog ka, o di naman kaya may magpost ng andito ako ngayon sa starbucks, is playing my guitar, nagigitara tapos nagfe-facebook? Hirap nu’n ah,at kahit wala ng makain ay sabay sa uso parin, alipin parin ng katangahan kahit di alam ang sinusundang uso at kahit di niya kilala ang mukha naka imprinta sa kanyang damit ay sinuot parin, kahit di naman bagay hala sige sabay parin.

Nalaman ko, na hindi lang pala mga dayuhan ang pwedeng sumakop sa atin, pati rin pala sarili natin at kakulay ay pwede tayong sakupin, sana lang huwag nating hayaang alipinin tayo ng mga kababawang ito, at huwag nating sayangin ang ipinaglaban ng ating mga bayani, at hindi lang june 12 ang araw ng kalayaan kun’di gawin nating araw-araw ang kalayaan ng may kabuluhan

Mga Komento

  1. masunggo ko sa tagalog nimo ui lalom kaau hahaha

    TumugonBurahin
  2. hahahaha...pilipino mn gud daw sir...di pa gni kaau na filipino jd hahah....

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

TEJEROS CONVENTION 1897: Ang Una'ng Eleksyon

HENERAL LUNA

ANG HALiGi