Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Mayo, 2012

KALAYAAN???

Imahe
Alam ko'ng hindi pa araw ng kalayaan ngayon mula sa mga mananakop na dayuhan, at alam ko ri'ng malayo pa ang araw ng aking kapanganakan na siya ri’ng araw atin’g kasarinlan, at ilan’g linggo pa bago ko ipagdiwang at ipagpasalamat sa Diyos ang aking ika dalawampu’t siyam na taong pamamalagi sa mundong ito. ( maisingit lang aking birthday ) unang iwinawagayway ni dating pangulong Emilio Aguinaldo ang watawat ng pilipinas nuong june 12, 1898 sa kanilang ancestral house, sa Cavite il Viejo na ngayon ay Kawit,Cavite. Pero hindi daw talaga ika-12 ng hunyo, 1898 ang petsa ng ating araw ng kalayaan, kun’di july 4, dahil isinuko na ng mga kastila ang pilipinas sa amerikano,parang indepence day lang ng america? At ang gobyerno ng amerikano na mismo ang nagbigay sa atin ng pagkakalaya mula sa kanila ang july 4 ang ang ating araw ng kalayaan, hanggang sa taong 1962, sa ilalim ng dating pangulong Diosdado Macapagal, pinalitan niya ang ang petsa at ginawang june 12, sa ilalim ...