Mga Post

SINO AKO?

Imahe
Matagal ko na ito’ng gusto’ng isulat, ay sandali sulat o i-type?, laptop kasi ang gamit natin ngayon, di na nga pala uso ang pluma, o sya sige, type na kung type, at kung may hihirit na, ay akala ko English, tagalog pala, o pwes kung ayaw mo ng Filipino o tagalog ang gamitin ko, at sa tingin mo eh matalino ka dahil gusto mo English, at kunyari magaling ka, ay huwag mo nalang ito’ng basahin hinayupak ka, bago paman ang lahat ay hayaan nyo muna’ng ipakilala ang akin’g sarili.                                                                                    ...

MAHAL KITA.....MAMATAY KA

Imahe
Pebrero na, buwan na naman ng mga puso, ito ang buwan ni Saint Valentine, buwan ng mga magsing-irog, mag-asawa. Ano nga ba ang pag-ibig, ang pagmamahal, ang pag-ibig ba ay dapat lang sa mga mag-nobyo at mag-nobya?,sa mga mag-asawa? iba’t-iba ang anyo ng pag-ibig, may pag-ibig sa/ ng Diyos at sa mga  likha Niya ,  pag-ibig sa mga magulang, sa mga kapatid, sa anak, kaibigan, at sa kaaway, oo mga pare at mare, sa kaaway, sabi nga ng Diyos, mahalin mo ang iyo’ng mga kaaway, kaya huwag kana’ng humirit pa ng, ayyyy I hate him, I hate her dude, pag-ibig sa ina’ng bayan, pero may kasabihan nga raw, ang lahat ng labis ay nakakasama, pero hindi naman lahat, sa sobra nga’ng pagmamahal sa atin ng Diyos ay nagkaroon ng pasko dahil isinilang ang Taga-pagligtas dalawa'ng libo'ng taon na ang nakakaraan. Ang tao kapag nagmalabis sa kanya’ng pag-ibig ay maaari’ng magdulot ng hindi kanais-nais, dahil sa nagiging makasarili,ika nga ni Freddy Mercury eh, ...

Si Pepe

Imahe
Bakit pa kailangan ng kalayaan kung ang mga alipin ngayon, ay s’ya na’ng mang-aalipin bukas, Isa sa mga sinabi ni Rizal noon, sabagay tama nga naman si Pepe, ay oo sandali sino si Pepe?, siya ang bayani’ng nagmula sa bayan ng calamba, Laguna, laki’ng may kaya sa buhay, hindi ka nga naman makakapag-lakbay sa iba’ng bansa kung mahirap ka lang, si Jose’ Rizal ay kabilang sa mga Illustrado duon sa Espanya at Paris, katropa niya ang mga tanyag na pintor na sina, Juan Luna at Felix Hidalgo, naging kabarkada rin niya sina, Trinidad Pardo de Tavera, na ang kapatid na babae ni Tavera ay naging asawa naman ng pintor na si Luna, na si Paz Pardo de Tavera ang nakababata’ng kapatid ni Juan Luna, na si Antonio Luna, na naging Heneral ng Rebulosyon, nabanggit si Antonio Luna, naging karibal din daw niya ito sa babae, na nagngangalan’g Nelly Bausted,   Kasapi rin si Rizal sa La Solidaridad ni Marcelo H. Del Pilar, kasama rin sina Antonio Luna, Graciano Lopez Jaena, Jose’ Maria Pang...

ANDRES BONIFACIO (Unang Pangulo)

Imahe
Katapangan, ano ba ang katapangan? Ano ang sukatan nito? Sa pag-buwis ba ng buhay? Sa pag-aalay ng sariling buhay para sa kapakanan ng nakararami? O ang magsisiga-sigahan sa kanto, at sa dami ng napapatay? para sa iba an gang pag-buwis ng sariling buhay o ang pag-aalay nito para sa kapakanan ng nakararami, ito ay kahibangan at hindi katapangan, handang mamatay para sa bayan, para’ng isa’ng Bayani ika-nga,    at isa na nga riyan ang ama ng katipunan, ang ang may-bahay ni Gregoria de Jesus na rebolusyonaryo’ng si Andres Bonifacio, o mas kilala sa tawag na, Supremo ng katipunan. Parati natin naririnig noon o mas na kahit ngayon ang   “Andres Bonifacio Atapang Atao, Aputol Akamay hindi Atakbo”   isa’ng maikling linya lamang mula sa isa’ng tula ng mga bata, na para ba’ng isa’ng biro lamang, ngunit pansinin natin, kahit na isa lamang biro ay nakakabit na ang salitang “tapang” kay Andres Bonifacio, ngunit gaano nga ba natin kakilala ang Ama ng Katipunan?, ...