three stars asian: COLLECTION OF POEMS: everything What you reap is what you sow, what you sow is what you reap Small but terrible you are invincible, somebody help me I’m in trou...
Eleksyon na naman, panahon na naman ng pakikipagplastikan sa isa’t-isa ng mga kandidato, panahon na naman ng dayaan? Ang mga magkakalaban nuon? Magkakampi na ngayon, ang mga magkatunggali nuon? Magkasangga na ngayon. Samu’t sari’ng pangako na naman ang bibitawan, pero may natutupad ba? Aba’y ewan ko. Ito rin ang panahon na marami’ng kalsada ang aayusin, pero sandali, aayusin nga ba? At bakit naman sa tuwing nalalapit ang eleksyon gagawin? Ano ang binabalak? Ano ang plano? Ang tunay plano? Marahil ang halos lahat sa atin ay alam na sagot. Sa nalalapit na eleksyon, mayroon na naman ba’ng mawawalan ng mahal sa buhay? Mababawian ng buhay? Mga gahaman sa kapangyarihan. Gagawin ang lahat para lamang manalo, dayaan, bilihan ng boto, dagdag bawas, marumi at magulo’ng eleksyon. Pa'no nga ba nagsimula ang eleksyon at kailan? Sa kasaysayan sinasabi’ng at tinuturing na una’ng eleksyon ay ang Tejeros Convention ng mga Pilipino’ng Revolusyonaryo o mga kasapi ng ...
Pasukan na naman, marahil ay isa ka sa mga mag-aaral na dama’ng-dama parin hanggan’g ngayon ang bakasyon, marahil ay bitin pa sa dalawa’ng buwan’g pahinga mula ‘sangkakutak na asignatura, mga kaliwa’t-kanan’g mga proyekto, at wala’ng humpay na mga pagsusulit, nagkakandarapa sa pag-abot ng mga minimithi’ng marka. Pero alam ko naman na naaalala n’yo parin ang kaklase’ n’yo, ang inyo’ng mga hinahangaan’g “kaklase”, pero kaakibat n’yan ang masungit na guro, strikto’ng guro, at may mga med mainitin’g ulo na mga guro. ...
Una sa lahat isa’ng malaki’ng pasasalamat sa Poon’g May Kapal ang araw na ito. Ilan,g linggo bago ang araw ng kalayaan, ay kapansin-pansin ang mga nagtitinda ng mga maliliit na watawat sa sa kalye, habang sa kabailang kamay ay mga sigarlyo at matatamis na candy, at ilan’g mga establisemyento ay mga medyo malalaki’ng watawat sa kanila’ng pinto, sa mga punto’ng ito ay bigla nalang dadami ang mga proud pinoys….naman hanep ang gagaling, saka pa naka-alala na pinoy sila, at wala’ng katapusan’g makabayan songs na naman, bago muna tayo matuwa dahil sa wala’ng pasok bukas ay intindihin muna natin ang sakripisyo ng ating mga ninuno, aba hindi yata biro ang masakop ng tatlo’ng daan’g taon, kung ang ilan’g taon lang na panunungkulan ng isa’ng pinuno na kurakot ay para na tayo’ng mga bata’ng iniwan ng nanay at pinalo ng pinalo sa pwet eh paano pa kaya ang daan-daan’g taon’g pananakop. May isa’ng daan at lanbin-lima’ng taon na ang nakakalipas nang ...
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento